Avast for Business

Ang Avast for Business ay naghahatid ng cloud-based na seguridad na pang-endpoint sa pamamagitan ng isang madaling magamit na web management console.

Tunghayan ang aming mga produkto

Pinasimpleng proteksyong pang-endpoint para sa mga negosyo

Gamit ang Avast for Business, hindi pa naging ganito kadali ang pagdaragdag ng mabusising proteksyon sa bawat PC, Mac, at server. Naibibigay ng flexible na pamamahala sa cloud ang pinakamaginhawang paraan sa pagprotekta ng mga negosyo.

  • Mabilis na access sa browser-based console na may ganap na kontrol sa pagkilos ng antivirus sa mga pang-endpoint na device
  • Sentralisadong pamamahala ng maramihang mga device - maa-access kahit saan
  • Kumpletong overview ng kasalukuyang katayuan ng buong environment na may mga agarang pag-alerto
  • Agarang pag-access sa suporta gamit ang chat sa loob ng produkto
  • Awtomatiko at walang-sabit na mga update
  • Makatipid sa gastos at oras sa pamamagitan ng paglipat sa cloud
  • Sulitin ang virtualization upang tiyakin na protektado ang kumpedensyal na impormasyon
  • Protektahan ang iba't ibang platform - Mga PC, Mac, at server
  • Mag-update sa pinakabagong bersyon nang awtomatiko o manu-mano
  • Magdagdag ng pasobrang proteksyon sa firewall para sa mga remote na endpoint
  • Magbigay ng kumpletong proteksyon ng server
  • I-secure ang iyong email client

Tatlong antas ng proteksyon

Tatlong antas ng proteksyon

Endpoint Protection Suite Endpoint Protection Suite Plus
Avast for Business
Basic Antivirus
MAG-SIGN UP NGAYON
Avast for Business
Endpoint Security
Bumili Ngayon
Avast for Business
Premium Endpoint
Security
Bumili Ngayon
Console sa sentralisadong pamamahala Pinamamahalaan ang proteksyon laban sa mga banta at sa data sa iyong buong network oo oo oo
Pamamahala sa device Pamahalaan ang mga device nang malayuan mula sa isang lokasyon oo oo oo
Antivirus at anti-malware para sa mga workstation Pinoprotektahan ang mga Windows PC at Mac oo oo oo
Antivirus at anti-malware para sa mga file server Pinoprotektahan ang mga Microsoft file server oo oo
Seguridad para sa server ng SBS Pinoprotektahan ang mga server na pang-maliliit na negosyo oo oo
Seguridad para sa mga Sharepoint server Pinoprotektahan ang mga Windows Sharepoint server oo oo
Rescue Disk Binibigyang-daan kang gumawa ng nabu-boot na bersyon ng Avast Security oo oo
Pag-install ng MSI Nagbibigay-daan para sa simple at naiaangkop na pag-deploy oo oo
Teknikal na suporta Live na teknikal na suporta para sa pag-deploy, pag-configure, pag-migrate at priyoridad na pagtulong $2/device
kada taon
oo oo
Antivirus at anti-malware para sa mga server ng email Dinedepensahan ang iyong server ng email laban sa mga hacker, malware at spam oo
Data Shredder Pinipigilan ang maling paggamit ng iyong sensitibong data sa pamamagitan ng permanenteng pagde-delete ng mga file oo
Pinahusay na firewall Pinipigilan ang hindi awtorisadong pag-access ng mga hacker sa mga computer ng kumpanya oo
Antispam Dumedepensa laban sa email na ginagamit sa phishing at spam oo
MAG-SIGN UP NGAYON Bumili Ngayon Libreng 30 araw na trial Bumili Ngayon Libreng 30 araw na trial
* Ang mga biniling Avast for Business are backed by a 30-day money back guarantee.

Mga kinakailangan sa system

Ang pinakalumang bersyon na kailangang naka-install ay Windows XP (na may SP2). Ang Windows Vista, 7, 8, 8.1 at kahit 10 ay suportado (maliban kung may device ka na tumatakbo sa Starter o kaya RT edition) sa parehong 32- at 64-bit na klase. Maaaring gamitin ang 10-taong gulang na Pentium 3 processor na may 128 MB RAM at 1 GB na hard-drive space. Isipin ngayon ang napakagandang performance sa iyong bagong hardware!

Kung gumagamit ka ng Mac na may OSX, gagana ito. Kailangan mo ng 128 MB na RAM at 750MB na disk space. Maliban dito, maaari kang gumamit ng anumang stable na bersyon ng OSX (kahit Yosemite), at papanatilihin ka naming protektado.

Gagana ito sa kahit anong operating system na nakalista sa ibaba:

  • Microsoft Windows Server 2003 at 2003 R2 (kahit anong edition na may pinakabagong Service Pack, 32-bit o kaya 64-bit, kasama ang Small Business Server)
  • Microsoft Windows Server 2008 at 2008 R2 (kahit anong edition na may pinakabagong Service Pack, 32-bit o kaya 64-bit, kasama ang Small Business Server, maliban sa Server Core)
  • Microsoft Windows Small Business Server 2011 (kahit anong edition na may pinakabagong Service Pack, x64-bit)
  • Microsoft Windows Server 2012 at Server 2012 R2 (kahit anong edition na may pinakabagong Service Pack, x64-bit, kasama ang Small Business Server/Essentials, maliban sa Server Core)
  • Microsoft SharePoint Server 2003/2007/2010/2013
  • Microsoft Exchange Server 2003/2007/2010/2013. Ang Avast antispam ay available para sa Microsoft Exchange Server 2007/2010/2013

May 512 MB o mas mataas pa kung gumagamit ng Microsoft Windows Server 2008 o mas mataas pa (depende sa mga requirement ng OS at iba pang naka-install na third-party software)

May Intel Pentium III compatible na processor o mas mataas pa (depende sa mga requirement ng OS at iba pang naka-install na third-party software)

1GB na bakanteng espasyo sa hard disk

Paano magsimula

Bisitahin ang pahina sa pagpaparehistro at gumawa ng isang pangkumpanyang account.

I-download ang Avast security software at i-install ito sa network ng iyong kumpanya.

Bisitahin ang console sa pamamahala at i-activate ang device.

Tamasahin ang iyong madaling-pamahalaang proteksyon na pang-negosyo.

Magsimula Na

Nalaman namin na ang Avast ay ang karapat-dapat na produkto para sa mga maliit at katamtamang laking mga client. Ito ay talagang madaling pamahalaan.

~ Shawn Davis, Presidente, Championship Networks

Ang produkto ay talagang madaling maunawaan. Ang isang tao na walang anumang karanasan ay maaaring mag-umpisa dito at pumunta kahit saan.

~ Kyle Barker, Technical Analyst, Championship Networks

Ang iyong pang-Cloud na produkto ay isang hulog ng Diyos! Maraming salamat sa napakagandang produkto na ito!

~ Mike Griffin, IT Administrator ng Greenwood/Asher and Associates, Greenwoodsearch

Una sa lahat - salamat sa makisig na produkto!

~ Robin Beismann, IT Specialist / Administrator, Nightwire

Pinahahalagahan ko ang tampok na chat, itinigil ko ang AVG nang hindi ko maabot ang sinuman.

~ Dave Zmeyr, Managing Director, Dave Zmeyr (USP)

Salamat muli para sa iyong tulong - mahal namin ang iyong mga produktong pang-negosyo at nagugustuhan namin ang inyong tinatahak na landas para dito!! :)

~ Bruce Catto, Group IT Manager, Craig Group Ltd

Salamat sa napakagandang produkto!

~ Steven Graham, Technical Consultant, Lightning Bird Logistics

Ako ay talagang nagaganyak upang i-deploy namin ito sa aming 1900 na mac. Kami ay isang pampublikong paaralan.

~ Kevin Schmiedlin, IT Field Technician, Dallas Center - Grimes CSD