Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.

Secure Internet Gateway

Next-Gen Firewall (NGFW) na batay sa Cloud para sa Kumpletong Seguridad

Cloud-based firewall na may mahusay na kakayahan

Pinapalitan ng Avast Business Secure Internet Gateway ang tradisyonal na hardware sa pamamagitan ng paghahatid ngmahuhusay na kakayahan ng firewall na batay sa cloud na 100% mula sa aming pandaigdigang network sa cloud. Tinitiyak naming laging naka-on ang seguridad ng iyong network, laging naka-update, at laging pinoprotektahan ang iyong negosyo hindi gaya sa iba pang serbisyo sa SMB. Inaalis ng Avast Business Secure Internet Gatewayang maraming puwang sa proteksyon na idinulot ng dati at naka-install na hardware security sa computer at mga UTM na appliance.

Seguridad sa antas ng enterprise sa presyong pasok sa badyet ng SMB

Pinapahusay ng teknolohiya sa serbisyo ng pinamamahalaang seguridad ng Avast Business ang pagiging matibay ng iyong seguridad, binabawasan ang kabuuang gastos sa serbisyo, at pinapalaki ang mga rate sa pagkuha at paggamit. Ibig sabihin, makakakuha ka ng seguridad sa antas ng enterprise – lahat sa presyong pasok sa badyet ng SMB.

Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway

Mga benepisyo

  • Kasukat ng iyong negosyo. Hindi ka mauubusan ng kapasidad
  • Pumili mula sa dose-dosenang pre-configure na patakaran o puwedeng i-customize para umangkop sa iyong mga pangangailangan
  • Mga patakaran sa seguridad ng kumpanya na pumoprotekta sa mga user nasaan man sila sa mundo
  • 65 bilyong transaksyon ang prinoproseo ng network ng banta sa buong daigdig araw-araw
  • Inaalis ang pagkaantala at binabawasan nang malaki ang mga gastusin sa backhaul

Firewall na batay sa cloud na ginawa partikular na para sa mga SMB

Para magawa ang mga advanced na system ng seguridad na ito, nakipagtulungan kami sa Zscaler, ang nangungunang provider ng mga network ng firewall na batay sa cloud sa antas ng enterprise, para ialok ang kauna-unahang enterprise-grade cloud firewall na ginawa para sa mga negosyong maliliit at may katamtamang laki(mga SMB).

Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway

Mga tampok

  • Mabilis at kumpletong inspeksyon sa SSL/TLS
  • Kumpletong pag-filter ng content at URL
  • Pag-sandbox sa cloud para sa mga uri ng file na naipapatupad, zip, at DLL
  • Proteksyon mula sa firewall na batay sa cloud para sa mga application, port, protocol, serbisyo sa network, at IP address
  • Pinakamalaki at pandaigdigang network ng firewall na may mahigit 127 data center
  • Proteksyon ng mobile user para sa Windows, IOS, at Android
  • 125,000 beses ina-update ang database ng virus bawat araw
  • Makita ang mga kaakibat na banta
  • Pagsasama ng Active Directory
  • SLA: 99.999% pagiging available
  • 100ms o mas kauti pa ang average na pagkaantala
Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway

Pinatibay na Seguridad na may Kumpletong Inspeksyon sa SSL

May posibilidad na may malaking panganib sa seguridad ang iyong negosyo dahil sa hindi pagsusuri sa naka-encrypt na data. Lubos na binabawasan ng Avast Business Secure Internet Gateway ang maraming kasalukuyang isyu sa pag-deploy at suporta sa certificate para sa pag-decrypt at pagsusuri ng SSL/TLS. Kasama rin sa mga isyu sa pag-decrypt ng SSL/TLS ang paghina ng performancena dulot ng mga isyu dahil sa laki ng appliance at napakalimitadong bandwidth. Isinasara rin ng Avast Business Secure Internet Gateway ang malalaking puwang sa pamamagitan ng pagpapalawak sa proteksyon para sa mga gumagamit ng mobile, tanggapang pansangay, at device na wala sa loob ng sentral na opisina.

Binabawasan ang Gastos sa pamamagitan ng Mas Simpleng Disenyo

Ang bagong serbisyo ay mangangailangan ngmas kaunting seguridad at suporta ng mga eksperto sa bawat customer. Dagdag pa rito, hindi nangangailangan ang serbisyo ng mga bagong appliance, pag-install ng appliance, o on-site truck rolls. Ang mga pag-upgrade ng firmware, mga H/A spare, at mga nauugnay na gastos sa pag-host ay bahagi na lang ng nakaraan. Pagkatapos dalhin ang trapiko sa cloud ng Avast,puwede nang pamahalaan mula sa malayo ang seguridad gamit ang console na batay sa cloudpara sa endpoint at network security. Kapag na-set up na ito, maliit na lang ang mga mababayaran para sa suporta at mas madali na ang pamamahala.

Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway
Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway

Pinapabuti ang Mga Rate ng Pagkuha

Kung isa ka sa aming mga MSP at MSSP na kasosyo,patataasin ng aming bagong serbisyo ang mga rate ng pagkuha at rate ng pananatili ng customersa pamamagitan ng totoong pinamamahalaang serbisyo na magandang isama sa iba mo pang serbisyo. Inaalis ng Avast Business ang mga paunang gastusin sa hardware, mga eksperto sa seguridad, mga pagbabago sa network, at pangmatagalang obligasyon na kinatatakutan ng mga customer.

Platform ng Seguridad na Batay sa Cloud

Ang mga serbisyo sa crybersecurity ng Avast Business ay madaling pamahalaan at ihatid sa pamamagitan ng CloudCare, ang aming platform ng seguridad na batay sa cloud. Sinusubaybayan ang mga banta mula sa iisang dashboard at mabilis na mag-deploy ng may layer na seguridad sa antas ng enterprise. Gamitin ang aming libreng tool para sa suporta sa remote para kumonekta nang ligtas sa anumang device at lutasin ang mga isyu mula sa malayong lugar. Kasama sa mga karagdagang opsyon sa cybersecurity sa CloudCare ang: Backup sa Cloud, Pinamamahalaang Antivirus, at Seguridad sa Email.

Kunin ang Avast Business Secure Internet Gateway