Mas maraming layer, mas mahusay na seguridad
Kung sakali mang makalusot ang isang banta sa isang layer ng seguridad, naghihintay ang iba pang layer para mahuli ito. At patuloy na ina-aupdate ng artificial intelligence na batay sa cloud ang lahat ng ito laban sa mga papausbong na banta. Mag-click sa ibaba para makita kung paano ito nakakatulong sa pinakamahusay na proteksyon para sa iyo at sa PC mo.
Proteksyon mula sa pekeng site
Tutulungan ka naming maiwasan ang mga mapanganib na website
Ang pagpatnubay para hindi mapunta sa mga mapanirang website ay posibleng ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang pagpasok ng virus. At makakatulong sa iyo ang lahat ng aming produkto para sa seguridad ng PC na gawin iyon.
I-download ang Proteksyon
Pinipigilan namin ang mga banta bago makaabot ang mga ito sa iyong PC
Puwedeng ma-hack kahit ang mga legal na website, kaya ini-scan namin ang bawat data na pumapasok sa iyong computer. Napakabilis ng pag-scan, wala ka dapat mahahalatang anumang pagbagal kapag nagba-browse.
Proteksyon ng File
Ang mga bantang umaabot rito ay ini-scan ulit sa iyong PC
Kung sakali mang maka-download ka ng malware, huwag kang mag-alala. Hindi namin iyon hahayaang pinsalain ang PC mo.
Proteksyon ng Gawi
Binabantayan namin ang lahat ng app para sa mapanirang gawi
Sa mga bihirang sitwasyon, puwedeng makalusot ang isang pursigidong malware sa mga karaniawang depensa ng antivirus. Buti na lang, pursigido rin ang Avast, at hindi ito humihinto sa pagbabantay ng mapanirang gawi.
Cybercapture
Haharapin ng anumang nakalusot na malware ang daan-daang milyon pang layer ng seguridad.
Kapag mas marami kaming user, nagiging mas malakas kami. Iyan ay dahil gumaganap ang bawat isa sa aming daan-daang milyong user bilang mga sensor, para matukoy kahit ang pinakabago at hindi pa kailanman nakitang anyo ng malware.
Proteksyon sa Ransomware
Nagbibigay ng proteksyon ang Avast Free Antivirus laban sa ransomware
Tinitiyak na ngayon ng aming libreng antivirus na protektado ang iyong mga dokumento, larawan, at iba pang mahahalagang file ng advanced na seguridad laban sa ransomware.
Shield sa Remote na Pag-access
Pinipigilan ng Premium ang mga pag-atake mula sa remote na access
Pinipigilan na ngayon ng Avast Premium Security ang mga hacker mula sa remote na pagkontrol sa iyong computer at pagkompromiso sa seguridad mo.