Avast Photo Space

Ang Avast Photo Space ay ang iyong libre at ligtas na solusyon sa isang gallery ng mga kalat-kalat na litrato.

I-INSTALL NANG LIBRE

Huwag makaligtaan ang kahit isang sandali

Huwag mong hayaang mahadlangan ka ng limitadong memory ng iyong telepono upang mapreserba ang pinakamahahalagang sandali ng buhay - gamit ang Avast Photo Space, maaari kang mag-store at magbahagi ng kahit ilang litratong kaya mong kunan.

Magandang tingnan at kaya rin ito ng iyong telepono

Gamit ang Photo Space, maaari mong i-optimize ang iyong mga litrato para mabawasan ang laki ng espasyong ginagamit ng mga iyon sa iyong telepono habang pinapanatiling madaling ibahagi at ma-enjoy ang mga iyon. Sa ganitong paraan, maaari mong pagkasyahin ang hanggang 7GB na puro larawan sa 1GB lang na espasyo!

Nakakonekta sa cloud para madaling ibahagi

Nagpapadala rin kami ng kopya ng iyong mga orihinal at hindi naka-optimize na litrato sa cloud service na gusto mo. Nakakatipid ito ng data, at pinapadali nitong ipakita ang iyong mga litrato sa mga kaibigan at kapamilya sa lahat ng device.

Sabihin ang "Cheese"!

Ang Avast Photo Space ay may kasama pang sarili nitong camera app, para awtomatiko mong malilipat, ma-o-optimize, at masi-sync ang iyong mga larawan sa cloud nang nakakatipid sa oras at data para sa iyo.

I-INSTALL NANG LIBRE