Page ng teknolohiya

Mga teknolohiya sa lokasyon

Bilang nangungunang kumpanya sa kaligtasan ng konsyumer, alam naming higit pa sa basta pagprotekta laban sa mga pag-atake ng malware at pagkuha ng sensitibong impormasyon (phishing) ang ibig sabihin ng online na seguridad.
Batay sa mahigit 15 taong karanasan sa pagbuo ng mga application na may malalaking carrier at mga partner na ISP, ang aming mga produkto para sa kaligtasan ng pamilya ay gumagamit ng kakaibang kombinasyon ng mga teknolohiya para sa lokasyon na isinama ng carrier at ng teknolohiya sa AI na nangunguna sa industriya para maghatid ng real-time na impormasyon sa mga magulang sa panahong kailangang-kailangan ito.

Teknolohiyang nagpapanatili sa kaligtasan ng mga pamilya

Ang aming mga produkto para sa kaligtasan ng pamilya ay gumagamit ng kakaibang kombinasyon ng mga teknolohiya para sa lokasyon na isinama ng carrier at ng teknolohiya sa AI na nangunguna sa industriya para maghatid ng real-time na impormasyon sa mga magulang sa panahong kailangang-kailangan ito.

Para magawa ito, isinama namin ang mga lokasyon batay sa network at batay sa device para matiyak ang katumpakan at pagiging maaasahan. Ginagamit ng lokasyong batay sa network ang data ng kalapit na cell tower para sukatin ang kinaroroonan ng tao; kasabay nito, ginagamit ng lokasyon sa device ang pagtukoy na batay sa GPS para tukuyin pa ang mga coordinate at paggalaw.

Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga lokasyon ng mga mahal mo sa buhay, at sa pagsusuri sa mga estadistikang ito, makapagbibigay kami ng kakaibang kaalaman sa antas ng pamilya.

May kakayahan ang aming platform ng artificial intelligence na bigyan ang mga magulang ng mahahalagang kaalaman tungkol sa laman ng content at mga pang-araw-araw na aktibidad ng pamilya. Puwede rin itong magbabala sa mga magulang kung hindi nakauwi sa oras ang anak o umalis sa eskwelahan nang hindi inaasahan sa kalagitnaan ng araw.

I-explore ang iba pang field ng teknolohiya

Manatiling may alam, manatiling protektado

Patuloy naming sinusubaybayan ang mga isyu sa seguridad para protektahan ang aming daan-daang milyong user mula sa mga papausbong na banta. Para mauna sa pagkuha ng mga pinakabagong feature ng produkto, at malaman ang tungkol sa mga banta mula sa mga eksperto sa Mga Threat Lab ng Avast, bisitahin ang blog ng Avast.