hero -pc-l

Avast Free Antivirus

Ang iyong depensa na may mataas na rating laban sa malware at mga online scam

Palakasin ang proteksyon ng iyong PC laban sa mga cyberthreat at mga web-based na scam. Tingnan ang mga kahina-hinalang mensahe o alok gamit ang aming bagong Avast Assistant na pinapagana ng AI. Gawin itong lahat gamit ang Avast Free Antivirus.

av-test-parangal
Disyembre 2023

Nangungunang Produkto

Av-comprataives
Enero 2025

Produkto na May Pinakamataas na Rating sa 2024

av-test-parangal
Disyembre 2023

Nangungunang Produkto

Av-comprataives
Enero 2025

Produkto na May Pinakamataas na Rating sa 2024

hero -pc-r
Milyon-milyong tao ang pumili ng Avast Free Antivirus para makakuha ng:
protektahan-laban sa mga online scam

Proteksyon sa scam na pinapagana ng AI

hulihin-ang mga bago at umuusbong na banta

Depensa laban sa mga online scam

mga user-account

Mas ligtas na pagba-browse at pag-email

bumbilya

Software na madaling gamitin

Icon - Antivirus

Avast Free Antivirus

Makakuha ng higit pa kaysa sa libreng antivirus software

Para panatilihin kang mas ligtas online, nagbibigay din ang Avast Free Antivirus ng:

mga layer ng seguridad
Suporta na anti-scam sa pamamagitan ng matalinong AI
Gumagamit kami ng teknolohiyang AI para makatulong sa iyo na i-block ang mga mapanganib na link ng website sa iyong web browser. Ang Avast Assistant ay nagbibigay din sa iyo ng gabay tungkol sa mga potensyal na scam sa loob ng ilang segundo.
madaling i-install
Isang mabilis na paraan para palakasin ang digital na seguridad
Kailangan lang ng ilang sandali upang mai-install ang Avast Free Antivirus. Sa sandaling matapos na ito, tatakbo ito nang tahimik sa background, pinoprotektahan ka laban sa mga virus at iba pang malware sa real time, 24/7.
seguridad ng wifi
Seguridad ng Wi-Fi network
Ligtas na kumonekta sa anumang Wi-Fi network, kahit sa hindi secure na mga pampublikong network, at saka tingnan kung sino ang gumagamit ng home Wi-Fi mo at i-block ang sinumang nanghihimasok sa isang click.
proteksyon laban sa pag-atake
Proteksyon laban sa ransomware
Protektahan ang impormasyon mo. Huwag hayaang mabiktima ng mga hacker ang mga personal na larawan, file, at dokumento mo gamit ang ransomware.
desktop - libreng antivirus

Ano ang nakapaloob sa pinakabagong bersyon?

Kumuha ng isang magandang interface na madaling gamitin, makabagong proteksyon ng application, at isang bagong passive mode para sa pagpapagana ng maraming program ng software na pangseguridad nang sabay-sabay – at isang munting regalo para sa inyo na mga gamer at mahilig sa pelikula. Mas malalaman mo rin sa ibaba ang tungkol sa proteksyon at gabay laban sa mga online scam.

Mag-browse at mag-email nang payapa, na sinusuportahan ng matalinong AI

Hindi lamang tumutulong sa iyo ang aming Web Guard na pinapagana ng AI na i-block ang malware. Pinapalakas din nito ang iyong seguridad laban sa mga nakatagong scam at website na sinusubukang nakawin ang iyong pera o impormasyon.

Bakit hindi mo rin gamitin ang aming AI assistant na anti-scam?
Kung pinaghihinalaan mong tila hindi tama ang isang online na alok o mensahe, matutulungan ka ng aming Avast Assistant na tukuyin kung ito ay isang scam. Mabilis itong magbibigay sa iyo ng gabay na madaling basahin.

iwasang maging biktima ng digital na pangingikil

Ang iyong oras sa laro o pelikula ay wala nang abala ngayon.

Pinalitan namin ng pangalan ang Game Mode at tinuruan ito ng ilang ekstrang trick. Tinatawag na ngayon na Do Not Disturb Mode, bina-block nito ang mga nakakaabalang pop-up naglalaro ka man, nanonood ng mga pelikula, o nagpepresenta sa full-screen mode.

Isang lalaking may popcorn

Ipinapakilala ang Behavior Shield

Hindi lang namin sinusuri ang iyong mga application para sa malware. Babantayan na namin ngayon ang kanilang gawi para makasiguro na hindi sila pabigla-biglang nanggugulo.

Behaviour shield
Icon - Antivirus

Avast Free Antivirus

Madaling i-install, walang kahirap-hirap gamitin

Ini-scan ng aming antivirus software ang mga isyu sa seguridad at performance at tinutulungan ka na ayusin kaagad ang mga ito. Real time ka ring pinoprotektahan nito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga hindi kilalang file bago maabot ng mga ito ang iyong PC — lahat ay libre. 

Puwedeng nagtataka ka pa rin...

Paano mag-install

Maging protektado kaagad sa pamamagitan ng pagsunod sa 3 madaling hakbang na ito:

Hakbang 1
1. I-download

Mag-click dito para i-download.

Hakbang 2
2. Buksan ang file
Buksan ang na-download na file at aprubahan ang pag-install.
Hakbang 3
3. I-install ang file
Paganahin ang installer at sundin ang mga simpleng tagubilin.