Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.

END USER LICENSE AGREEMENT

Bersyon 1.5 (7/9/2017)

Kasunduan sa Lisensiya sa End User

Pakibasahing mabuti ang mga takda at kondisyon ng Kasunduan ukol sa Lisensiya ng End User (“Kasunduan”) na ito bago mo gamitin ang Solusyun (tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba). Ito ay isang kontratang legal na nagbibigkis sa Avast Software s.r.o. (isang kompanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Czech Republic) hinggil sa mga Solusyon na may markang “AVAST”, AVG Netherlands BV (isang kompanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng The Netherlands) hinggil sa mga Solusyon na may markang “AVG”, o Privax Limited (isang kompanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng England at Wales) hinggil sa mga Solusyon na may markang “HIDE MY ASS!” o “HMA!” (Avast Software s.r.o., AVG Netherlands BV at Privax Limited, bilang nalalapat, sa pagiging isang indibidwal na “Nagbibili”). Sa pamamagitan ng elektronikong pagpayag, pag-install ng Solusyon o paggamit ng Solusyon, ay tinatanggap mo ang lahat ng takda at kondisyon ng Kasunduang ito sa ngalan ng iyong sarili at anumang entidad o indibidwal na kinakatawan mo o kung para kaninong Device mo kinukuha ang mga Solusyon mula sa Nagbibili (magkakasama ay “ikaw”). Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, huwag ipagpatuloy ang proseso ng instalasyon at tanggalin o sirain ang lahat ng kopya ng Solusyon na nasa posesyon mo.

Nauugnay ang Kasunduang ito sa paggamit mo ng tiyak na software o mga serbisyo (kasama ang anumang mga pang-upgrade o pang-update bukod pa roon) na ibinibigay ng Nagbibili (ang bawa’t isa, isang “Solusyon”) at anumang kaugnay na Dokumento. Sa Kasunduang ito, ang “Dokumento” ay nangangahulugan ng anumang manwal ng user at mga tagubiling ibinibigay ng Nagbibili kasama ng Solusyon; at ang “Mga Naaangkop na Kondisyon” ay sama-samang nangangahulugan ng Takda ng Suskrisyon kasama ng mga uri ng mga Device, Pinapahintulutang Bilang ng mga Device, iba pang mga limitasyon na inilalarawan sa pamamagitan ng Seksiyon 2, ng Dokumento o ng mga dokumento ng transaksyon sa ilalim ng kung paano mo kinuha ang Solusyon. Ang Kasunduang ito ay sumusunod at pumapalit sa anumang iba pang kasunduan na nauna mo nang pinasukan kaugnay ng naunang bersiyon ng Solusyon.

Maaaring amyendahan ng Nagbibili ang Kasunduang ito anumang oras sa pamamagitan ng paunawang ibinigay sa iyo alinsunod sa Kasunduang ito, at ang iyong patuloy na paggamit, o desisyon na hindi humingi ng sauling-bayad, anumang Solusyon sa anumang punto nang hindi bababa sa 30 araw makalipas ang petsa ng paunawa ay bubuo sa pagtanggap mo sa pag-amyenda ng Kasunduang ito. Maaaring kailanganin ng Nagbibili na tanggapin mo ang inamyendahang Kasunduan nang sa gayon ay maipagpatuloy ang paggamit ng Mga Solusyon na nauna mo nang binili. Kung tinanggihan mong tanggapin ang pag-amyenda ng Kasunduang ito, maaaring wakasan ng Nagbibili ang iyong paggamit ng mga naapektuhang Solusyon, sa gayong kaso maaari mong kunin ang balik-bayad ng Mga Kabayaran para sa mga Solusyon (naka-prorata para sa di-napaso o di-nagamit na bahagi ng Takdang Suskrisyon) sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling nasa https://www.avast.com/en-us/faq.php?article=‌AVKB24#idt_0440 (kung saan ang Nagbibili ay Avast Software s.r.o) o https://support.avg.com/SupportArticleView?l‌=en&urlName=What-ay-AVG-refund-patakaran (kung saan ang Nagbibili ay AVG Netherlands BV) o http://www.hidemyass.com/legal/refunds(kung saan ang Nagbibili ay Privax Limited).

1. Lisensiya

Binibigyan ka ng Nagbibili ng isang di-eksklusibong lisensiya para gamitin ang Solusyon at ang Dokumento para sa pinagkasunduang panahon na ipinapakita sa Mga Nalalapat na Kondisyon, kasama ang anumang mga ekstensyon o pagre-renew (ang “Panahon ng Suskrisyon”), kung sumasang-ayon ka sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito.

2. Pinapahintulutang paggamit ng Solusyon

2.1. Maaari mong i-install at gamitin ang Solusyon, o sumuporta, hanggang sa pinagkasunduang bilang (ang “Pinagkasunduang Bilang ng mga Device”) ng mga mobile na telepono, smartphone, tablet, mobile network appliance, iba pang mga mobile na device (ang bawa't isa ay isang “Mobile na Device”), mga personal na computer, device na konektado sa Internet, o iba pang mga device na kabagay ng Solusyon (ang bawa't isa, kasama ang bawa’t isang Mobile na Device, isang “Device”) ay eksklusibong ipinapakita sa Mga Nalalapat na Kondisyon:

2.1.1. Sa kaso ng mga Solusyon na itinatalaga ng Nagbibili para sa pangkorporasyon, komersiyal o pangnegosyong paggamit (ang bawa't isa ay “Solusyong Pangnegosyo”), sa pamamagitan mo o ng iyong mga kasama (yaong mga entidad na kumokontrol sa iyo, kinokontrol mo o sa ilalim ng karaniwang kontrol na kasama ka) para sa mga internal na layuning pangnegosyo. Sa pangyayari ng anumang gayong paggamit ng mga kasama mo ng Solusyong Pangnegosyo, ikaw ay responsable sa pagtupad ng mga kasama mo sa Kasunduang ito, at ang di-pagtupad ng isang kasama ay ituturing na hindi mo pagtupad. Anumang mga obligasyon ng Nagbibili sa ilalim ng Kasunduang ito ay magiging solong pagkakautang sa iyo at hindi sa iyong mga kasama na gumagamit ng Solusyong Pangnegosyo sa ilalim ng Kasunduang ito.

2.1.2. Sa kaso ng lahat ng iba pang Solusyon (ang bawa't isang “Solusyong Pangmamimili”), sa pamamagitan mo o ng mga miyembro ng iyong sambahayan para sa mga personal, di-komersiyal na layunin.

2.2. Maaari ka ring gumawa ng isang backup na kopya ng Solusyon.

2.3. Sa kondisyon na isinaayos ang Solusyon para magamit sa network, maaari mong i-install at gamitin ang Solusyon sa isa o higit pang server ng file para magamit sa isang solong local area network para lamang sa isa (nguni't hindi pareho) sa mga sumusunod na layunin:

2.3.1. Alinman sa permanenteng instalasyon ng Solusyon sa isang hard disk o iba pang device na imbakan para sa hanggang sa Pinapahintulutang Bilang nga mga Device, o

2.3.2. Ang paggamit ng Solusyon sa mga gayong isahang local area network, sa kondisyon na ang bilang ng iba’t ibang Device kung saan ginagamit ang Solusyon ay hindi humihigit sa Pinapahintulutang Bilang ng mga Device.

2.4. ANG PAGGAMIT MO NG SOLUSYON NA IBA PA SA HAYAGANG PINAPAHINTULUTAN NG SEKSIYONG ITO O ANUMANG MULING PAGBIBILI O KARAGDAGANG PAMAMAHAGI NG SOLUSYON AY BUMUBUO NG MATERYAL NA PAGLABAG SA KASUNDUANG ITO AT MAAARING PAGLABAG SA MGA NAAANGKOP NA BATAS UKOL SA KARAPATANG MAGPALATHALA.

3. Mga pang-upgrade at pang-update

Ang Nagbibili, manaka-naka sa loob ng Panahong Itatagal ng Suskrisyon at nang wala ang iyong hiwalay na permiso o pahintulot, ay maaaring magpalabas ng mga pang-update, o mga pamalit para sa anumang Solusyon, at bilang resulta ng pagpapalabas ay hindi mo maaaring gamitin ang naaangkop na Solusyon o Device (o mga tiyak na paggana ng Device) hanggang sa lubusang mai-install o mapagana ang pang-update. Ang mga pang-update ay ituturing na bahagi ng Solusyon para sa lahat ng layunin sa ilalim ng Kasunduang ito. Maaaring makasama sa mga pang-update kapwa ang mga pagdaragdag, at pag-aalis ng anumang partikular na tampok o paggana na iniaalok ng Solusyon o maaaring palitan ang kabuuan nito, at pagpapasiyahan ng Nagbibili ang nilalaman, mga tampok at paggana ng in-update na Solusyon sa solong diskresyon nito. Ang Nagbibili o ang iyong Device ay hindi kinakailangang mag-alok sa iyo ng opsiyon na tanggihan o antalahin ang mga pang-update, nguni't sa anumang pangyayari ay maaari mong kailanganin na i-download at pahintulutan ang instalasyon ng lahat ng makukuhang pang-update para makuha ang pinakamalawak na benepisyo mula sa Solusyon. Maaaring itigil ng Nagbibili ang pagbibigay ng suporta para sa Solusyon hanggang sa matanggap at mai-install mo na ang lahat ng pang-update. Sa solong diskresyon nito, pagpapasiyahan ng Nagbibili kung kailan at kung naaangkop ang mga pang-update at walang obligasyon na gumawa ng anumang pang-update na magagamit mo. Sa solong diskresyon nito, maaaring itigil ng Nagbibili ang pagbibigay ng mga update para sa anumang bersiyon ng Solusyon na iba pa kaysa pinakabagong bersiyon, o mga update na sumusuporta sa paggamit ng Solusyon kaugnay ng anumang bersiyon ng mga operating system, program ng email, program ng browser at iba pang software kung para saan dinisenyong patakbuhin ang Solusyon.

4. Mga karapatan sa pagmamay-ari

4.1. Ang Mga Solusyon at Mga Dokumento ay intelektwal na pag-aari ng Nagbibili at protektado ng naaangkop na mga batas ukol sa karapatang magpalathala (copyright), ang mga probisyon ng pang-industriyal na treaty probisyon at iba pang naaangkop na batas ng bansa kung saan ginagamit ang Solusyon. Ang istruktura, organisasyon at code ng Solusyon ay mahahalagang sikretong pangkalakalan at kompidensiyal na impormasyon ng Nagbibili. Hanggang sa lawak na magbigay ka sa Nagbibili ng anumang komento o mungkahi tungkol sa Solusyon, pinagkakalooban mo ang Nagbibili ng karapatan at lisensiya na panatilihin at gamitin ang anumang gayong komento o mungkahi sa aming kasalukuyan o hinaharap na mga produkto o serbisyo, nang walang karagdagang kompensasyon sa iyo at nang wala ang iyong pag-aproba ng gayong pagpapanatili o paggamit.

4.2. Maliban kung isinasaad sa Kasunduang ito, ang iyong posesyon, instalasyon at paggamit ng Solusyon ay hindi nagkakaloob sa iyo ng anumang karapatan o titulo para sa anumang karapatan sa intelektwal na pag-aari sa Solusyon o Mga Dokumento. Ang lahat ng karapatan sa Solusyon at Mga Dokumento, kasama na ang lahat ng nauugnay na copyright, patente, karapatan sa sekreto sa pangangalakal (trade secret right), markang pangalakal (trademark) at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari, ay inirereserba ng Nagbibili.

5. Mga Paghihigpit

5.1. Hindi mo maaaring kopyahin o gamitin ang Solusyon o ang Mga Dokumento maliban sa nakatakda sa Seksiyon 2 ng Kasunduang ito. Hindi mo maaaring gawin, at hindi mo maaaring pahintulutan ang anumang ikatlong partido na: (i) gumamit ng anumang numero ng lisensiya, kombinasyon ng username/password o iba pang code o bilang ng pahintulot na ibinigay ng Nagbibili kaugnay ng anumang Solusyon o para sa mas higit na bilang ng mga Device na tinukoy ng Mga Nalalapat na Kondisyon; (ii) magsiwalat ng anumang numero ng lisensiya, kombinasyon ng username/password o iba pang code o bilang ng pahintulot sa anumang partido na iba pa sa Nagbibili o mga kinatawang itinalaga ng Nagbibili; (iii) maliban tulad ng hayagang pinapahintulutan ng batas, (A) mag-reverse engineer, magkalas, mag-decompile, magsalin, magbuo uli, magbago ng anyo o humugot ng anumang Solusyon o anumang bahagi ng Solusyon (kasama nang walang limitasyon anumang kaugnay na mga lagda ng malware at mga regular na gawain sa pagtukoy ng malware), o (B) palitan, baguhin, o sa ibang paraan ay ialter ang anumang Solusyon (kasama nang walang limitasyon ang anumang kaugnay na mga lagda ng malware at mga regular na gawain sa pagtukoy ng malware); (iv) paglalathala, muling pagbebenta, pamamahagi, pagbobrodkast, pagtatransmit, pakikipag-ugnayan, paglilipat, pangangako, pag-upa, pagbabahagi o pagsa-sublicense ng anumang Solusyon; (v) maliban kung hayagang pinapahintulutan ng Kasunduang ito o ng Mga Nalalapat na Kondisyon, paggamit ng anumang Solusyon para pangasiwaan ang mga pasilidad ng isang third party o magbigay ng anumang akses ng third party o paggamit ng anumang Solusyon sa isang sangay ng serbisyo, timesharing, serbisyo ng suskrisyon o provider ng serbisyong application o iba pang katulad na batayan; (vi) paggamit ng anumang Solusyon para magbigay o bumuo ng isang produkto o serbisyo na nakikipagkumpetensya sa Solusyon; (vii) paggamit ng anumang Solusyon sa isang paraang lumalabag sa nakalathalang patakaran ng Nagbibili ukol sa katanggap-tanggap na paggamit; (viii) paggamit o pagtatangkang gamitin ang anumang Solusyon para mag-upload, mag-imbak o mag-transmit ng anumang data, impormasyon o mga materyal na: lumalabag sa intelektwal na pag-aari o iba pang mga karapatan ng mga third party; naglalaman ng anumang labag sa batas, nakasasama, nagbabanta, mapang-abuso, mapanirang-puri o sa ibang paraan ay di-kanais-nais na materyal ng anumang uri; o sa ibang paraan sa anumang paraan ay nakasisira, nagdi-disable o nakapipinsala sa operasyon ng Solusyon; (ix) magkaroon o tangkang magkaroon ng di-pinahintulutang pag-akses sa anumang Solusyon o sa mga network na nakakonekta dito, o sa nilalamang iniimbak o inihahatid nito, sa pamamagitan ng anuman ay nangangahulugan, kasama sa pamamagitan ng pag-hack, pag-spoof o paghahangad na lumusot o gapiin ang anumang mga firewall o iba pang pangteknolohiya o iba pang mga proteksyon o mga hakbang pangseguridad; (x) pagsusuri o benchmark, o pagsisiwalat o paglalathala ng mga resulta ng pagsusuri o benchmark, para sa anumang Solusyon nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nagbibili; o (xi) gapiin o lumusot, pagtatangkang gapiin o lumusot, o pahintulutan o tulungan ang anumang third party sa paggapi o paglusot sa mga kontrol sa pag-i-install o paggamit ng mga kopya ng anumang Solusyon.

5.2. May tiyak na Mga Solusyon na nagkakaloob sa iyo o sa iba pang user ng mga pang-administratibong pribilehiyo, kasama ng iba pang bagay, maaaring magpahintulot sa administrador na imonitor ang iba pang Mga Device at/o ang katayuan ng Mga Solusyon na ipinadala sa iba pang Mga Device, kasama halimbawa ang katayuan ng suskrisyon, mga abiso ng at mensahe ng Solusyon. Kinakatawan at ginagarantiyahan mo na isasagawa mo lamang ang mga pribilehiyo ng administrador kaugnay ng Mga Device at Mga Solusyon kung para saan ka pinahintulutan at wala nang iba pang layunin. Kinakatawan mo rin at ginagarantiyahan na may kapangyarihan kang tanggapin ang Kasunduang ito, at i-install ang Solusyon sa mga Device, sa ngalan ng mga may-ari at user ng mga yaong pinapangasiwaang Device, at tanggapin sa pamamagitan nito ang Kasunduang ito sa ngalan nila.

5.3. May mga tiyak na Solusyon na maaaring mag-enable sa iyong maglathala o magbahagi sa iba ng nilalamang na-generate o nakuha mula sa iba pang mga pinagkukunan (“Nilalaman ng User”). Pinapanatili mo ang anuman at lahat ng karapatan sa intelektwal na pag-aari na hawak mo na sa ilalim ng naaangkop na batas sa Nilalaman para sa User na inilathala o ibinahagi mo sa pamamagitan ng Solusyon, sumasailalim sa mga karapatan, lisensiya, at iba pang takda ng Kasunduang ito, kasama na ang anumang nakapailalim na mga karapatan ng iba pa sa anumang Nilalaman para sa User na maaari mong gamitin o baguhin. Ipinagkakaloob mo sa Nagbibili, ang isang di-eksklusibo, walang paghihigpit, walang kondisyon, walang limitasyon, pandaigdig, di-nababawi, panghabang-buhay, at libre sa royalty na karapatan at lisensiya para gamitin, kopyahin, irekord, ipamahagi, i-reproduce, isiwalat, ipagbili, muling ipagbili, i-sublicense (sa pamamagitan ng maramihang antas), baguhin, idispley, ipahayag sa publiko, ipadala, ilathala, i-broadcast, isalin, gumawa ng mga hangong likha, at hindi may ay samantalahin sa anumang pamamaraang kahit ano pa, lahat ng o anumang bahagi ng Nilalaman para sa User na inilathala o ibinahagi mo sa pamamagitan ng isang Solusyon (at mga hangong likha mula dito), tanging para sa layunin ng pagbibigay ang Mga Solusyon sa iyo sa ilalim ng Kasunduang ito. Sa bawa't pagkakataon na inilathala o ibinahagi mo ang anumang Nilalaman para sa User, kinakatawan at ginagarantiyahan mo na ikaw ay hindi bababa sa edad ng mayorya sa estado kung saan ka naninirahan at isang magulang o legal na tagapangalaga, o mayroon ng lahat ng wastong pahintulot mula sa magulang o legal na tagapangalaga, ng sinumang menor na nalarawan o nakapag-ambag sa anumang Nilalaman para sa User na inilatahala o ibinahagi mo, at kaya, hinggil sa Nilalaman para sa User: (i) ikaw ang solong may-akda at may-ari ng intelektwal na pag-aari at iba pang karapatan sa Nilalaman para sa User, o mayroon kang matwid na karapatan para ilathala at ibahagi ang Nilalaman para sa User at nagkakaloob sa Nagbibili ng karapatan na gamitin ito tulad ng inilalarawan sa seksiyong ito, lahat nang walang anumang obligasyon ang Nagbibili na kumuha ng pahintulot ng anumang ikatlong partido at nang hindi lumilikha ng anumang obligasyon o pananagutan ng Nagbibili; (ii) ang Nilalaman para sa User ay wasto; (iii) ang Nilalaman para sa User ay hindi lumalabag at, tulad ng mga pinapahintulutang paggamit at pagsasamantala ng Nagbibili na itinakda sa Kasunduang ito, hindi lalabag sa anumang intelektwal na pag-aari o iba pang karapatan ng anumang ikatlong partido; at (iv) ang Nilalaman para sa User ay hindi ang lumalabag sa Kasunduang ito o magiging dahilan ng kapinsalaan o kasamaan para sa sinumang tao.

6. Limitadong garantiya; mga pagtalikod at hindi pagsasama ng pananagutan

6.1. Sumasailalim sa nalalabing bahagi nitong Seksiyon 6, ginagarantiyahan sa iyo ng Nagbibili na ang Solusyon ay lubusang gagana, o pagaganahin alinsunod sa Mga Dokumento sa loob ng panahong tatlumpung (30) araw kasunod ng unang pagtanggap mo ng Solusyon. Para makagawa ng paghahabol sa garantiya, dapat mong sundin ang mga tagubilin na ibinigay ng pinagkunan kung saan mo binili ang Solusyon. Kung ang Solusyon ay hindi lubusang gagana alinsunod sa Mga Dokumento, ang buo at eksklusibong pananagutan ng Nagbibili at ng mga tagapamahagi at ahente nito at ang iyong solo at eksklusibong remedyo ay magiging limitado, sa opsiyon ng Nagbibili, sa alinman sa: (i) pagpapalit ng Solusyon; o (ii) ibalik ang Solusyon para sa balik-bayad ng mga bayad at singilin na binayaran mo Solusyon (ang “Mga Bayad”). Ginagamit lamang ang garantiyang ito sa Solusyon tulad ng orihinal na pagkakahatid, at hindi ginagamit sa mga pag-update o depektong dulot ng kombinasyon, operasyon o paggamit ng Solusyon sa software, hardware o iba pang materyal na hindi ibinigay ng Nagbibili, o ng Mga Device, software, o iba pang materyal na hindi sumusunod sa mga kinakailangan ng Nagbibili na itinakda sa Mga Dokumento.

6.2. HINDI GINAGARANTIYAHAN NG NAGBIBILI AT NG MGA TAGAPAMAHAGI AT AHENTE NITO ANG PAGGANAP O MGA RESULTA NA MAAARI MONG MAKUHA SA PAGGAMIT NG ANUMANG SOLUSYON O MGA DOKUMENTO. ANG REMEDYO SA SEKSIYONG ITO AY NAGSASAAD NG MGA SOLO AT EKSKLUSIBONG REMEDYO SA PAGLABAG SA GARANTIYA NG NAGBIBILI O NG MGA TAGAPAMAHAGI O AHENTE NITO. MALIBAN SA BINABANGGIT NA LIMITADONG GARANTIYA, ANG SOLUSYON AY IBINIBIGAY NANG "KUNG PAANO ITO" AT ANG NAGBIBILI AT ANG MGA TAGAPAMAHAGI AT AHENTE NITO AY WALANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG NA MGA GARANTIYA O KONDISYON AT, SA PINAKAMALAWAK NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, TINATALIKURAN ANG ANUMAN AT LAHAT NG KONDISYON AT GARANTIYA NA IPINAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG BATAS, KARANIWANG BATAS, LEHISLASYON O IBA PANG TEORIYA NG BATAS, KASAMA NGUNI'T HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA O KONDISYON NG HINDI PAGLABAG SA MGA KARAPATAN NG IKATLONG PARTIDO, KAKAYAHANG IKALAKAL, ANGKOP NA KALIDAD O KAANGKUPAN PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA LAYUNIN. HINDI GINAGARANTIYAHAN NG NAGBIBILI NA ANG OPERASYON NG MGA SOLUSYON AY HINDI MAGAGAMBALA O LIBRE SA ERROR, NA ANG MGA SOLUSYON AY GAGANA NANG WASTO SA ANUMANG IBINIBIGAY NA DEVICE O SA ANUMANG PARTIKULAR NA KUMPIGURASYON NG HARDWARE AT/O SOFTWARE, O NA ANG MGA SOLUSYONS AY MAGBIBIGAY NG KUMPLETONG PROTEKSIYON PARA SA INTEGRIDAD NG PINILING DATA, IMPORMASYON O NILALAMAN NA INIMBAK O IPINADALA SA PAMAMAGITAN NG INTERNET.

6.3. SA KABILA NG ANUMANG IBA PANG PROBISYON NG KASUNDUANG ITO, ANG LAHAT NG SOLUSYON NA IBINIBIGAY SA IYO NANG WALANG BAYAD (KASAMA ANG MGA SOLUSYON NA IBINIBIGAY BILANG “LIBRE,” “PAGSUBOK” O “BETA” NA MGA SOLUSYON) AY IBINIBIGAY SA BATAYANG “KUNG PAANO ITO”, “KASAMA ANG LAHAT NG KAMALIAN,” AT “SA KASALUKUYANG KONDISYON NITO”, NANG WALANG ANUMANG GARANTIYA NG ANUMANG URI AT NANG WALANG SUPORTA O IBA PANG SERBISYO NG NAGBIBILI.

6.4. Itinatatuwa ng Nagbibili ang lahat ng pananagutan para sa Solusyon, kasama na ang anumang kawalan o pananagutan na nagreresulta dahil sa nawala o nakompromisong data na dulot ng Solusyon. Hindi gumagawa ang Nagbibili ng anumang garantiya na ang iyong data ay iimbak nang ligtas o sigurado. Ang Solusyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago sa iyong Device na maaaring makaapekto nang masama sa paggana nito, tulad ng pagtatanggal ng mga file ng sistema o aplikasyon na tinukoy (nang wasto o di-wasto) ng Solusyon bilang may impeksiyon. Tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga gayong pagbabago sa iyong Device na maaaring mangyari bilang resulta ng iyong paggamit ng Solusyon. Ang Solusyon ay hindi mapagparaya sa kamalian at bilang gayon ay hindi dinisenyo para gamitin sa mapapanganib na kapaligiran na nangangailangan ng ligtas sa kabiguan na pagganap.

6.5. HANGGANG SA BUONG LAWAK NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, WALANG PANGYAYARI NA ANG NAGBIBILI O ANUMANG KOMPANYA NA KUMOKONTROL, KINOKONTROL NG O NASA ILALIM NG KARANIWANG KONTROL KASAMA NG NAGBIBILI (MAGKAKASAMA, ANG “PANGKAT NG NAGBIBILI”) O ANG KANI-KANILANG MGA AHENTE, TAGAPAGLISENSIYA, KINATAWAN, TAGASUPLAY, TAGAPAMAHAGI, TAGABENTA, WIRELESS CARRIER NA KUNG KANINONG NETWORK IBINIBIGAY ANG SOLUSYON O IBA PANG MGA KAPARTNER SA NEGOSYO ANG MAGKAKAROON NG PANANAGUTAN SA IYO O SA ANUMANG IBA PANG THIRD PARTY PARA SA ANUMANG DI-DIREKTA, IBINUBUNGA, INSIDENTAL, PAGPAPARUSA O ESPESYAL NA PINSALA KUNG ANO PA MAN, NANG WALANG PAKIALAM SA DAHILAN O TEORIYA NG PANANAGUTAN, O ANUMANG IBA PANG MGA PINSALA (MAGING DIREKTA O DI-DIREKTA) NA NAKUHA DAHIL SA PAGKAWALA NG NEGOSYO, MGA PAKINABANG O KITA, PAGKAWALA NG PAGKAPRIBADO, PAGKAWALA NG PAGGAMIT NG ANUMANG DEVICE O SOLUSYON (KASAMA NGUNI’T HINDI LIMITADO SA SOLUSYON), MGA GASTOS SA PAGKUHA NG KAHALILI O KAPALIT NG MGA PRODUKTO AT SERBISYO, PAGKAGAMBALA SA NEGOSYO, PAGKAWALA NG IMPORMASYONG PANGNEGOSYO O IBA PANG PAGKAWALANG MAY KINALAMAN SA PANANALAPI NA BUNGA NG KASUNDUANG ITO O NG SOLUSYON NA IBINIBIGAY SA ILALIM NITO, KAHIT PA ANG NAGBIBILI AY NAPAYUHAN NA UKOL SA POSIBILIDAD NG MGA GAYONG PINSALA. WALANG MIYEMBRO NG GRUPO NG NAGBIBILI ANG MAGKAKAROON NG PANANAGUTAN SA ANUMANG DI-AWTORISADONG PAG-AKSES, O ANUMANG PAGKA-CORRUPT, PAGKABURA, PAGNANAKAW, PAGKASIRA, PAGBABAGO, DI-SADYANG PAGSISIWALAT O PAGKAWALA NG DATA, IMPORMASYON O NILALAMAN NA IPINADALA, TINANGGAP O INIIMBAK NG O KAUGNAY NG ISANG SOLUSYON NANG WALANG PAGSASAALANG-ALANG SA DAHILAN. SA BUONG LAWAK BA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, HINDI MANGYAYARI NA ANG PANANAGUTAN NG NAGBIBILI, O SINUMANG MIYEMBRO NG GRUPO NG NAGBIBILI, O KANILANG MGA TAGAPAMAHAGI O AHENTE PARA SA ANUMANG PINSALA AY LALAMPAS SA MAS NAKAHIHIGIT NA LIMANG DOLYAR NG U.S. (US$5.00) O SA HALAGA NG MGA BAYARING BINAYARAN MO UKOL SA SOLUSYON PARA SA NAAANGKOP NA PANAHONG ITATAGAL NG SUSKRISYON.

6.6. ANG MGA SINUSUNDANG PAGBUBUKOD AT LIMITASYON NG PANANAGUTAN NG NAGBIBILI, MGA MIYEMBRO NG GRUPO NG NAGBIBILI, AT ANG KANILANG MGA TAGAPAMAHAGI AT AHENTE AY HINDI NILILIMITAHAN ANG KANILANG POTENSIYAL NA PANANAGUTAN PARA SA PAGKAMATAY, PERSONAL NA KAPINSALAAN O PANDARAYA SA KABILA NG LAWAK NA PINAPAHINTULUTAN NG MGA NAAANGKOP NA BATAS.

7. Pagkapribado; pagproseso ng personal na impormasyon

7.1. Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na ang Solusyon ay maaaring awtomatikong makipag-ugnayan sa cloud-based na teknolohiya ng Nagbibili para gumana, at para gawing mas epektibo ang mga Solusyon at iba pang mga produkto at serbisyo ng Nagbibili. Maaari mong lamang iurong ang iyong pahintulot sa mga gayong komunikasyon sa pamamagitan ng pag-uninstall ng Solusyon.

7.2. Ipinoproseso ng Nagbibili ang tiyak na impormasyon at data (na maaaring kabilangan ng personal na impormasyong pagkakakilanlan at/o personal na data) na nauugnay sa: (i) ang user ng Solusyon at/o anumang Device na gumagamit ng Solusyon; (ii) ang Solusyon at/o anumang Device na gumagamit ng Solusyon; alinsunod sa patakaran sa pagkapribado ng Nagbibili sa www.avast.com (kung saan ang Nagbibili ay Avast Software s.r.o), www.avg.com (kung saan ang Nagbibili ay AVG Netherlands BV) o www.hidemyass.com (kung saan ang Nagbibili ay Privax Limited).

8. Pagwawakas

Ang Kasunduang ito ay wawakasan kaagad sa sandaling hindi ka tumupad sa anumang obligasyon na nilalaman nito (kasama na ang anumang di-pagtupad sa iyong mga obligasyon sa Seksiyon 2, 5 o 9 na magreresulta ng pagkawala ng karapatan sa anumang karapatan na maaaring magkaroon ka para tumanggap ng mga update sa Solusyon o ng sauling-bayad ng Mga Kabayaran). Inirereserba ng Nagbibili ang mga karapatan sa anumang iba pang remedyo na makukuha sa ilalim ng batas sa pangyayari na ang hindi mo pagtupad sa Kasunduang ito ay nakaaapekto nang masama sa Nagbibili o sa mga tagapamahagi o ahente nito. Ang mga limitasyon ng pananagutan at mga pagtatatuwa ng garantiya at pananagutan sa mga pinsalang nilalaman nito ay magdudulot ng pagwawakas ng Kasunduang ito. Walang probisyon nito ang ituturing na ipinapaubaya maliban kung ang gayong pagpapaubaya ay isinulat at nilagdaan ng Nagbibili. Kung anumang probisyon ng Kasunduang ito ay ipinalagay na walang bisa o di-maipapatupad, ang nalalabi pa ng Kasunduang ito ay maipagpapatuloy nang buong kapangyarihan at bisa.

9. Mga karapatang pinaghihigpitan ng Pamahalaan ng U.S.

Ang lahat ng Mga Solusyon na karapat-dapat bilang “mga komersiyal na aytem,” tulad ng pagpapaliwanag ng salitang iyon sa 48 C.F.R. 2.101, na binubuo ng “komersiyal na software ng computer” at “mga dokumento ng komersiyal na software ng computer” tulad ng paggamit sa mga gayong salita sa 48 C.F.R. 12.212. Naaalinsunod sa 48 C.F.R. 12.212 at 48 C.F.R. 227.7202-1 sa pamamagitan ng 227.7202-4, ang lahat ng end user ng Pamahalaang U.S. ay makakukuha ng gayong Mga Solusyon at kaugnay na Mga Dokumento na tanging yaong mga karapatan na itinakda dito na nalalapat sa mga di-pampamahalaang mamimili. Ang paggamit ng mga gayong Solusyon at kaugnay na Mga Dokumento ay bumubuo sa kasunduan ng entity ng pamahalaan na ang software ng computer at mga dokumento ng software ng computer ay komersiyal, at bumubuo sa pagtanggap sa mga karapatan at paghihigpit na naririto.

10. Mga kontrol sa pag-export

Dapat kang sumunod sa lahat ng naaangkop na batas ng U.S. at pandaigdig na namamahala sa pag-export at muling pag-export ng Mga Solusyon, kasama na ang Mga Regulasyon ng U.S. sa Pangangasiwa ng Pag-export, pati na ang mga paghihigpit sa end-user, huling gamit at destinasyon na ipinalabas ng U.S. at iba pang pamahalaan. Nang hindi tumataliwas sa kabuuan ng binabanggit: (i) kinakatawan mo na hindi ka miyembro ng anuman sa listahan ng taong tinanggihan, listahan ng hindi napatunayan, listahan ng entity, listahan ng mga mamamayang may espesyal na pagtatalaga, listahan ng pinagbawalan o anumang iba pang listahan na inilathala ng Pamahalaang U.S.; at (ii) hindi mo gagamitin, ie-export o muling ie-export ang Solusyon sa mga teritoryo, destinasyon, kompanya o indibidwal na lumalabag sa mga pag-embargo o pahintulot pangkalakalan ng U.S. at E.U. Ikaw ay magbabayad-pinsala, magtatanggol at magpapanatili na walang makasasama sa Nagbibili at laban sa anumang paghahabol, demanda, sakdal o proseso, at lahat ng pinsala, pananagutan, halaga at gastos na idudulot ng iyong kabiguang sumunod sa Seksiyon 10 na ito.

11. Nagbibigkis na Kasunduan ng Arbitrasyon at Class Action Waiver

11.1. Ginagamit ang Seksiyon 11 na ito para sa anumang Pagtatalo na idudulot ng o kaugnay ng isang Solusyon o ng Kasunduang ito at kinasasangkutan mo at ng anumang kompanya ng Grupo ng Nagbibili. Ang “Pagtatalo,” para sa mga layunin ng Seksyon 11, ay nangangahulugan ng anumang mga pagtatalo, aksyon, o iba pang kontrobersya nang walang pakialam sa partikular na dahilan ng (mga) pagkilos na ipinahayag (iyan ay, pinapaligiran nito, kasama ng anumang iba pang potensiyal na dahilan ng pagkilos o legal na batayan, ang mga paghahabol dahil sa pagsira sa kontrata, pandaraya, at paglabag sa batas o regulasyon).

11.2. Sa pangyayari ng isang Pagtatalo, dapat kang magbigay sa Nagbibili ng paunawa ng Pagtatalo, na isang nakasulat na pahayag ng pangalan, address at impormasyong pang-ugnayan ng partidong nagbibigay nito, ang mga katotohanang nagbibigay-daan sa Pagtatalo, at ang tulong na hinihiling. Dapat mong ipadala ang anumang Paunawa ng Pagtatalo sa pamamagitan ng email para sa Nagbibili sa legal@avast.com (isinasaad ang Paksa: Seksiyon 11 Paunawa ng Pagtatalo Sa Ilalim ng EULA).

11.3. ANUMANG PROSESO UPANG LUTASIN O PAG-USAPAN ANG ANUMANG PAGTATALO SA ANUMANG FORUM AY ISASAGAWA LAMANG SA ISANG INDIBIDWAL NA BATAYAN. HINDI MO HIHILINGIN NA DINIGIN ANG ANUMANG PAGTATALO BILANG ISANG CLASS ACTION, GENERAL ACTION NG PRIBADONG ABOGADO, O SA ANUMANG IBA PANG PAGDINIG KUNG SAAN ALINMAN SA PARTIDO AY KUMIKILOS O NAGMUMUNGKAHI NA KUMILOS SA KAKAYAHAN NG KINATAWAN. WALANG ARBITRASYON O PAGDINIG NA ISASAMA SA ISA PA NANG WALANG PAUNANG NAKASULAT NA PAHINTULOT NG LAHAT NG PARTIDO PARA SA LAHAT NG APEKTADONG ARBITRASYON O PAGDINIG.

11.4. Kung hindi mo malutas at ng Nagbibili ang anumang Pagtatalo sa pamamagitan ng impormal na negosasyon, anumang iba pang pagsisikap na lutasin ang Pagtatalo ay eksklusibong isasagawa sa pamamagitan ng nagbibigkis na arbitrasyon na pinapangasiwaan ng United States Federal Arbitration Act (“FAA”), 9 U.S.C. § 1 et seq. Maliban kung tulad ng ibinibigay sa ibaba, isinusuko mo ang karapatang mapag-usapan (o lumahok sa usapin bilang isang partido o class member) ang lahat ng Pagtatalo sa korte sa harap ng isang hukom o hurado. Sa halip, ang lahat ng Mga Pagtatalo ay lulutasin sa harap ng niyutral na arbitrador, kung kaninong desisyon ay siyang magiging huli maliban kung may limitadong karapatan sa pagsusuri ng hukuman sa ilalim ng FAA. Anumang korte na may kapangyarihan sa mga partido ay maaaring magpatupad sa gawad ng arbitrator.

11.5. Ang kinakailangan sa arbitrasyon nitong Seksiyon 11 ay sumasailalim sa mga sumusunod eksepsiyon:

11.5.1. Maaari mong ipadinig ang anumang Pagtatalo sa korteng ukol sa maliliit na paghahabol, sa county o sa iba pang katulad na sangay politikal kung saan ka naninirahan, kung nakatutugon ang Pagtatalo sa lahat ng kinakailangan para madinig sa korteng ukol sa maliliit na paghahabol. Kung pinangunahan mo ang paghahabol sa korte ukol sa maliliit na paghahabol, responsable ka para sa lahat ng gastos at kabayaran sa korte.

11.5.2. Ang lahat ng Mga Pagtatalo na may kinalaman sa anumang sinasabing maling paggamit sa intelektwal na pag-aari mo o ng Nagbibili ay lulutasin sa korte.

11.5.3. Kung nakatira ka sa European Union at bumili ka ng Solusyon mula sa isang Pangkat ng Nagbibili na kompanyang nakabase sa European Union, maaaring may karapatan kang asikasuhin ang iyong Pagtatalo sa pamamagitan ng isang plataporma sa internet para sa online na paglutas ng pagtatalo na itinatatag sa pamamagitan ng European Commission (ang “Plataporma ng ODR”). Ang Plataporma ng ODR ay nilalayong mag-asikaso ng mga resolusyon sa labas ng hukuman para sa mga mamimili at mangangalakal na nakabase sa European Union. Makikita mo ang Plataporma ng ODR sa pamamagitan ng pagsunod sa link na ito: http://ec.europa.eu/consumers/odr/.

11.6. Anumang arbitrasyon ay isasagawa sa pamamagitan ng American Arbitration Association (ang “AAA”) alinsunod sa “Mga Tuntunin sa Arbitrasyong Pangmamimili” ng AAA na epektibo noong Setyembre 1, 2014, kasama ang “Mga Gastos sa Arbitrasyon (Kasama ang Mga Pang-administratibong Bayarin ng AAA)” epektibo noong Setyembre 1, 2014 (magkakasama, ang “Mga Pamamaraang Pangmamimili”) at sasailalim sa mga sumusunod:

11.6.1. Ang Mga Prosesong Pangmamimili ay nagbibigay para sa mga tiyak na kabayaran, partikular na naglalaan ng ilan sa mamimili (ikaw) at mga iba pa sa negosyo (Nagbibili). Kung ang iyong paghahabol ay US$75,000 o mas mababa pa, babayaran ng Nagbibili ang lahat ng tinukoy na mga kabayaran at gastos na yaon, kasama na yaong nakalaan sa mamimili. Hindi sumasang-ayon ang Nagbibili na sagutin ang anumang iba pang halaga. Kung higit pa sa US$75,000 ang iyong hinahabol, ang Mga Prosesong Pangmamimili ang mamamahala sa pagbabayad.

11.6.2. Maliban kung ibinibigay sa ibaba, ang Mga Prosesong Pangmamimili ng AAA ay gagamitin para sa anumang Pagtatalo sa pagitan ng mga partido. Gayunman, alinsunod sa Tuntunin sa Arbitrasyong Pangmamimili o Consumer Arbitration Rule R-1(e), maaaring itaas ng isang partido ang wastong aplikasyon ng Mga Tuntunin sa Arbitrasyong Pangmamimili sa isang arbitrador para sa pinakahuling desisyon. Ang Kasunduang ito ay namamahala sa lawak na sumasalungat ito sa Mga Prosesong Pangmamimili. Sisimulan mo lamang ang arbitrasyon sa county o iba pang katulad na sangay politikal kung saan ka naninirahan. Ang pagdinig ng arbitrasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtawag ng kumperensiya. Gayunman, kung ang mga pagdinig ay isinasagawa alinsunod sa Mga Prosesong Pangmamimili ng AAA, ang (mga) arbitrador ay magkakaroon ng kapangyarihang magagamit sa diskresyon nito para humingi ng isang harapang pagdinig sa sandaling humiling ang isang partido.

11.6.3. Ikaw at ang Nagbibili ay sumasang-ayon na ang paggamit ng AAA para pangasiwaan ang arbitrasyon ay hindi integral sa kasunduan ng mga partido na mamagitan sa Mga Pagtatalo. Kung hindi magsasagawa o hindi kayang magsagawa ng AAA ng isang arbitrasyon, ikaw at ang Nagbibili ay mag-uusap nang may mabuting kalooban upang pagkasunduan ang isang solong arbitrador na siyang lulutas sa Pagtatalo tulad ng ibinibigay sa Mga Prosesong Pangmamimili. Kung walang mapagkasunduang arbitrador ang mga partido, maaaring humirang ang isang korte na may maaasahang kapangyarihan ng isang arbitrador, na siyang susunod sa Mga Prosesong Pangmamimili ng AAA.

11.6.4. Kung isa o higit pang bahagi nitong Seksiyon 11 ay matutuklasang ilegal, walang bisa o di-maipapatupad para sa lahat o ilang bahagi ng isang Pagtatalo, kung gayon, at tanging sa sitwasyong iyon, puputulin yaong mga bahagi at ang Pagtatalo ay lulutasin na sumasailalim sa lahat ng nalalabing bahagi nitong Seksiyon 11 at sa lahat ng iba pang probisyon ng Kasunduang ito. Kung ang gayong pagputol ay magreresulta ng lahat ng o ilang bahagi ng pagdinig ukol sa Pagtatalo sa isang korte ng batas, ang eksklusibong may kapangyarihan para sa anumang gayong pagdinig ng korte ay ang mga korteng nasa county ng Santa Clara, California. Para sa mga layunin ng anumang gayong pagdinig sa korte, pinahintulutan mo, at hindi tututulan ang personal na kapangyarihan sa iyo ng mga korte ng California, at dagdag mo pang ipinapaubaya ang pagtutol batay sa hindi wastong lugar o forum non conveniens at hindi hihiling na malipat sa isa pang distrito o nakasasakop.

11.7. Sa kabila ng mga nauunang talata, kung binili mo ang Solusyon para gamitin sa iba pa liban sa personal o pambahay, ang mga proseso ng arbitrasyon, kasama ang pagbabayad ng mga gastos, ay pangangasiwaan alinsunod sa Mga Tuntunin sa Arbitrasyong Pangkomersiyal (ang “Mga Prosesong Pangkomersiyal”). Ang Mga Komersiyal na Proseso ay angkop na ginagamit sa anumang Pagtatalo sa pagitan ng mga partido, at hindi ka magtataguyod ng ibang paraan sa anumang proseso. Gayunman, namamahala ang Kasunduang ito hanggang sa lawak na sumasalungat ito sa Mga Komersiyal na Proseso.

12. Nangangasiwang batas

Ang mga batas ng Estado ng California, hindi kasama ang mga salungatan ng mga tuntunin ng batas nito, ay namamahala sa Kasunduang ito at sa paggamit mo ng Solusyon at ng Mga Dokumento. Ang aplikasyon ng Kombensiyon ng United Nations ukol sa Mga Kontrata (United Nations Convention on Contracts) para sa Internasyonal na Pagbibili ng Mga Paninda ay hayagang hindi kasama.

13. Pangkalahatan

13.1. Kumpletong Kasunduan. Ang Kasunduang ito ay ang buong kasunduan sa pagitan mo at ng Nagbibili na nauugnay sa paggamit mo ng Mga Solusyon at Mga Dokumento. Ang Kasunduang ito ay pumapalit sa lahat ng pauna o magkasabay na pasalita o nakasulat na mga komunikasyon, panukala, pahayag, garantiya at representasyon kaugnay ng paggamit mo ng Mga Solusyon o Mga Dokumento. Sa kabila ng sinusundan, walang-anuman sa Kasunduang ito ang magpapaliit sa anumang karapatan na maaaring magkaroon ka sa ilalim ng umiiral na batas na proteksiyon ng mamimili o iba pang naaangkop na batas sa iyong nasasakupan na hindi maaaring ipaubaya sa pamamagitan ng kontrata. Ang Kasunduang ito, ang Mga Naaangkop na Kondisyon at ang Mga Dokumento, sa pinakamalawak na makatwirang paggamit, ay bibigyan ng kahulugan na pirmi sa bawa't isa, nguni't sa pangyayari ng isang salungatan ay kokontrol ayon sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: (i) ang Mga Naaangkop na Kondisyon; (ii) ang Kasunduang ito; at (iii) ang Mga Dokumento.

13.2. Paunawa. Maaaring magpahatid ang Nagbibili ng anumang paunawa sa iyo anumang oras sa pamamagitan ng electronic mail, pop-up window, dialog box o iba pang pamamaraan, kahit na may mga kasong hindi mo maaaring tanggapin ang paunawa maliban kung at hanggang sa maglunsad ka ng isang Solusyon. Anumang gayong paunawa ay ituturing na naihatid sa petsang unang ginawa itong makukuha ng Nagbibili sa pamamagitan ng isang Solusyon, walang pakialam kung kailan mo talaga tinanggap ito.

13.3. Pagpili ng Batas. Ang kabuuan, bisa at pagganap ng Kasunduang ito at ng lahat ng di-pangkontratang obligasyon na idudulot ng o nauugnay sa Kasunduang ito ay pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California, U.S. hindi kasama ang mga panuntunan nito sa salungatan ng mga batas.

13.4. Interpretasyon. Ang mga ulo (heading) ng Kasunduang ito ay hindi nakaaapekto sa interpretasyon nito. Ang paggamit ng anumang kasarian ay kinabibilangan ng lahat ng kasarian. Kasama sa isahan (singular) ang maramihan (plural) at gayon din naman, kasama sa maramihan ang isahan. Kung saan ipinapaliwanag ang isang salita o parirala, ang iba pang anyong panggramatika nito ay mayroong katugong kahulugan.

13.5. Kakayahang Putulin. Kung may anumang probisyon ng Kasunduang ito na maituturing na ilegal, walang bisa o di-maipapatupad sa ilalim ng anumang naaangkop na batas at regulasyon, lahat ng iba pang probisyon ng Kasunduang ito ay mananatili nang buong kapangyarihan at bisa.

13.6. Pagkaimposible. Hindi magkakaroon ng pananagutan ang Nagbibili sa anumang kabiguan o pagkaantala sa pagganap, dulot ng buo o bahagi, sa mga kabiguan ng serbisyo (kasama na ang kuryente), kabiguan ng internet, kabiguan ng komunikasyong pangtelepono o mga serbisyo ng impormasyong pangteknolohiya, kabiguan ng kagamitan sa komunikasyong pangtelepono o impormasyong pangteknolohiya, mga pagwewelga o iba pang kaguluhang pangmanggagawa (kasama nang walang limitasyon ang welga o iba pang kaguluhang pangmanggagawa na ibinubunga kaugnay ng anumang kompanya sa Grupo ng Nagbibili o ng kanilang mga ahente, tagapaglisensiya, kinatawan, tagatustos, tagapamahagi, tagabenta at iba pang kasama sa negosyo), mga pagkilos ukol sa digmaan o terorismo, mga pag-atake sa pagtatanggi ng serbisyo o iba pang pag-atake sa impormasyong pangteknolohiya o mga paglabag na nakaaapekto sa Nagbibili, sinumang miyembro ng Grupo ng Nagbibili o kanilang mga tagatustos, mga pagbaha, pagsabotahe, sunog, iba pang natural na kapahamakan o Pagkilos ng Panginoon, o anumang iba pang dahilan na lagpas sa makatwirang kontrol ng Nagbibili.

13.7. Pagpapaubaya. Ang kabiguan ng alinmang partido na ipilit ang istriktong pagganap ng anumang ng takda, kondisyon at probisyon ng Kasunduang ito ay hindi mangangahulugan ng pagpapaubaya o pagsusuko ng pagtupad sa Kasunduan sa hinaharap, at ang mga takda, kondisyon at probisyon ng Kasunduang ito ay mananatili nang may buong kapangyarihan at bisa. Walang pagpapaubaya ng anumang takda o kondisyon ng Kasunduang ito sa bahagi ng alinmang partido ang magiging epektibo para sa kahit ano pa mang layunin maliban kung ang gayong pagpapaubaya ay nakasulat at nilagdaan ng gayong partido. Ang pagpapaubaya ng alinmang partido na di-tumupad sa anumang probisyon ng Kasunduang ito sa iba pang partido ay hindi ang maaaring bigyan ng kahulugan bilang patuloy na pagpapaubaya ng gayong di-pagtupad o bilang pagpapaubaya ng iba pang paglabag ng pareho o ng iba pang probisyon ng Kasunduang ito.

13.8. Pagtatakda. Hindi mo maaaring itakda ang iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nagbibili. Maaaring itakda ng Nagbibili ang Kasunduang ito anumang oras sa solong diskresyon nito nang walang anumang paunang nakasulat na pahintulot mo.

13.9. Konstruksiyon. Ang Kasunduang ito ay hindi pamamahalaan ng Kombensiyon ukol sa Mga Kontrata ng United Nations para sa Internasyonal na Pagbibili ng Mga Produkto, ang aplikasyon noon ay hayagang ibinukod. Sa pangyayari na magkaroon ng kalabuan o katanungan sa layunin o interpretasyon, sa anumang prosesong panghukuman o iba pang paraan, ang mga takda ng Kasunduang ito ay binibigyang kahulugan bilang magkatulong na inihanda ng mga partido, at walang pagpapalagay o pabigat ng pruweba na lilitaw na pabor o di-pabor sa anumang partido ayon sa kabutihan ng pagkamay-akda ng anumang probisyon ng Kasunduang ito.

13.10. Walang Mga Ikatlong Partidong Benepisyaryo. Ang Kasunduang ito ay tanging nilalayon para sa benepisyo mo at ng Nagbibili at ang iba pang kompanya ng Grupo ng Nagbibili, at ang kanilang mga kaukulang ahente, tagapaglisensiya, kinatawan, tagatustos, tagapamahagi, tagapagbili at iba pang kasosyo sa negosyo. Walang taong hindi partido ng Kasunduang ito ang maaaring magkaroon ng dahilan ng pagkilos alinsunod sa Kasunduang ito bilang ikatlong partidong benepisyaryo nito.

13.11. Wika. Ang Kasunduang ito ay orihinal na inihanda sa wikang Ingles. Bagama't maaaring magbigay ang Nagbibili ng isa o higit pang nakasalin na bersiyon ng Kasunduang ito para sa iyong kaluwagan, ang bersiyon ng Kasunduang ito sa wikang Ingles ay ang mamamahalang bersiyon ng Kasunduang ito sa kaso ng anumang salungatan o pagkakaiba.

13.12. Koneksiyon sa Internet. May tiyak na Mga Solusyon na maaaring mangailangan ng aktibo at matatag na koneksiyon ng Internet para gumana. Samakatuwid ay responsibilidad mong tiyakin na mayroon kang aktibo at matatag na koneksiyon ng Internet sa lahat ng pagkakataon.

13.13. Mga pangalan ng produkto. Inirereserba ng Nagbibili ang karapatan na baguhin ang pangalan ng Mga Solusyon nito sa solong diskresyon nito nang pana-panahon.

13.14. Impormasyong Pang-ugnayan. Maaaring makaugnayan ang Nagbibili tulad ng sumusunod:

13.14.1. Kaugnay ng CloudCare o Managed Workplace, alinsunod sa mga tagubilin na nakapaskil sa www.avg.com/support; at

13.14.2. Kung mayroon kang anumang katanungan hinggil sa Kasunduang ito o nais humiling ng anumang impormasyon mula sa Nagbibili, mangyaring sumulat sa Avast Software s.r.o., Pikrtova 1737/1a, Prague 4, Postal Code 140 00, Czech Republic, e-mail: support@avast.com, tel.: +420 274 005 777 o bisitahin ang aming pahina ng suporta sa www.avast.com/support.

14. Mga Espesyal na Takda

Ang mga sumusunod na espesyal na takda ay ginagamit sa tiyak na Mga Solusyon. Kung sumasalungat ang mga espesyal na takdang ito sa nalalabi pang Kasunduan, ang mga espesyal na takda ang mamamahala kaugnay ng naaangkop na Mga Solusyon.

14.1. Software, Mga Serbisyo at Iba Pang Produkto ng Ikatlong Partido

May Mga Solusyon na nag-aalok sa iyo ng pagkakataon para makakuha ng software, mga serbisyo at iba pang produkto na itinutustos ng mga ikatlong partido. Tinatanggap mo na ang naaangkop na ikatlong partido ay ang tanging responsable para sa mga iniaalok nito at hindi gumagawa ng anumang pagkatawan o garantiya ang Nagbibili na may kinalaman sa mga yaong pag-aalok at walang tinatanggap na pananagutan kaugnay ng mga iyon, at kung kumuha o gumamit ka ng anuman sa mga iniaalok na ito ng ikatlong partido, ang mga iniaalok at ang paggamit mo sa mga iyon ay pamamahalaan ng anumang kasunduan sa lisensiya, mga takda ng paggamit, mga patakaran sa pagkapribado at/o iba pang mga takda at kondisyon na kinakailangan ng ikatlong partido.

14.2. Browser Cleanup

Kapag ini-install at ginagamit mo ang add-on na Browser Clean Up (“BCU”), pinapahintulutan mong palitan ng bago ng BCU ang iyong umiiral na setting ng browser.

14.3. Mga Mobile App

Ginagamit ang Seksiyon 14.3 na ito para sa Mga Solusyon na nilalayong gamitin sa Mga Mobile na Device.

14.3.1. Para sa Mga Solusyon na nai-download mula sa Google Play (http://play.google.com), ang ipinagkaloob na lisensiya sa pamamagitan ng Kasunduang ito ay pamalit sa anumang karapatan sa paggamit ng Solusyon na sa ibang pagkakataon ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng mga default na takda para sa mga application na nai-download mula sa Google Play Store.

14.3.2. Para sa Mga Solusyon na nai-download mula sa Apple App Store, ginagamit ang mga sumusunod na:

(a) Ang lisensiyang ibinibigay sa Kasunduang ito ay limitado sa isang di-naililipat na lisensiya para gamitin ang Solusyon sa anumang iPhone, iPod Touch o iba pang Apple-powered na Device na pag-aari o kinokontrol mo at tulad ng pinapahintulutan ng Mga Tuntunin sa Paggamit na itinatakda sa Mga Takda ng Serbisyo ng Apple App Stores, na makukuha online sa http://www.apple.com/legal/internet-services/itunes/us/terms.html o sa pamamagitan ng mga gayong site at iba pang paraan na ginawa ng Apple na makukuha mo.

(b) Ang Kasunduang ito ay pinagpapasiyahan tanging sa pagitan ng mga partido, at hindi kasama ang Apple. Ang Nagbibili, hindi ang Apple, ay tanging responsable para sa Mga Solusyon at sa nilalaman nito.

(c) Walang kahit anong obligasyon ang Apple na magbigay ng anumang mga serbisyong pagpapanatili at suporta kaugnay ng Solusyon.

(d) Kung bigo ang Solusyon na sumunod sa anumang nalalapat na garantiya, maaari mong abisuhan ang Apple, at ibabalik sa iyo ng Apple ang halagang ibinayad para sa Solusyon. Hanggang sa pinakamalawak na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ang Apple ay hindi magkakaroon ng anumang iba pang obligasyong garantiya kaugnay ng Solusyon, at, sa pagitan mo, ng Nagbibili at ng Apple, ang anumang iba pang paghahabol, kawalan, pananagutan, pinsala, halaga o gastos na maipapalagay na bunga ng anumang kabiguan na sumunod sa anumang garantiya ay magiging solong responsibilidad ng Nagbibili.

(e) Ang Nagbibili, hindi ang Apple, ay responsable sa pagtugon sa anumang mga paghahabol mo o ng anumang third party kaugnay ng Solusyon o ng iyong posesyon at/o paggamit ng Solusyon, kasama, nguni’t hindi limitado sa: (i) mga paghahabol sa panganib ng produkto; (ii) anumang paghahabol na bigo ang Solusyon na sumunod sa anumang naaangkop na pangangailangang legal o pangregulasyon; at (iii) mga paghahabol na bunga ng proteksiyong pangmamimili o mga katulad na batas.

(f) Sa pangyayari ng anumang paghahabol ng third party na ang Solusyon o ang iyong posesyon at paggamit ng Solusyon ay lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng third party, ang Nagbibili, hindi ang Apple, ang magiging solong responsable sa pagsisiyasat, pagtatanggol, pagsasaayos at pagpapalaya ng anumang gayong paghahabol sa paglabag sa intelektwal na pag-aari.

(g) Dapat kang tumupad sa anumang mga nalalapat na takda ng third party kapag ginagamit ang Solusyon. Halimbawa, para sa VOIP Solution, hindi ka dapat lumabag sa kasunduan ukol sa serbisyo ng iyong wireless data kapag ginagamit ang Solusyon.

(h) Ang Apple at mga subsidiyaryo ng Apple ay ang third party na mga benepisyaryo ng Kasunduang ito at, sa iyong pagtanggap sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, magkakaroon ng karapatan ang Apple (at ituturing na tinatanggap ang karapatan) upang ipatupad ang Kasunduang ito laban sa iyo bilang isang benepisyaryo ng third party.

14.3.3. Para sa mga na-download na Solusyon mula sa Amazon Appstore, maaaring magtalaga ang Amazon sa mamimili ng mga tiyak na takda sa paggamit para sa Amazon Appstore bilang “Default na mga Takda ng EULA.” Ang Mga Default na Takda ng EULA na iyon ay gagamitin sa iyong paggamit ng Mga Solusyon na binili mo sa pamamagitan ng Amazon Appstore. Tutukuyin ng Mga Default na Takda ng EULA, kasama ng iba pang bagay, na ang Nagbibili ay ang tagapaglisensiya ng Solusyon at ang Amazon ay hindi isang partido ng Kasunduang ito. Kung mayroong anumang salungatan sa pagitan ng Mga Default na Takda ng EULA at ng Kasunduang ito, susunod na sa lawak ng gayong salungatan ang Mga Default na Takda ng EULA Terms ang kokontrol. Ang Amazon ay walang anumang responsibilidad o pananagutan kaugnay ng iyong pagtupad o di-pagtupad o ng Nagbibili sa Mga Default na Takda ng EULA.

14.4. WiFi Finder

Dahil sa WiFi Finder nagagawa ng mga user nito na tulungan ang iba pang user na makakuha ng akses sa internet sa pamamagitan ng pagbabahagi ng data tungkol sa mga network ng WiFi. Kung pinipili mong ibahagi ang data mo tungkol sa iyong mga network ng WiFi sa iba pang user, ikaw ay solong responsable sa pagtiyak na hindi ka lumalabag sa anumang karapatan ng ikatlong partido na nauugnay sa mga gayong network ng WiFi. Ang Nagbibili sa anumang paraan ay hindi umaako ng responsibilidad sa iyong pagtupad sa mga takda at kondisyon na naaangkop sa paggamit ng anumang network na ibinahagi mo ang data.

14.5. CloudCare at Managed Workplace. Ang Seksiyon 14.5 na ito ay ginagamit sa lawak ng Mga Naaangkop na Kondisyon na nagpapahintulot sa iyo na gamitin ang CloudCare o Managed Workplace sa pagbibigay ng Mga Serbisyo ng MSP sa mga ikatlong partido.

14.5.1. Tulad ng paggamit sa Seksyon 14.5 na ito:

(A) Ang“AVG Business Service” ay nangangahulugan ng Mga Serbisyong HD at/o Mga Serbisyong NOC tulad ng kinakailangan ng konteksto.

(b) Ang “Mamimili” ay nangangahulugan na isang third party kung kanino ka magbibigay o nagnanais magbigay ng Mga Serbisyong MSP.

(c) Ang “Mga Serbisyong HD” ay nangangahulugan ng mga serbisyong helpdesk ng Nagbibili o ng mga third party na tagasuplay nito na nagbibigay sa iyo para sa benepisyo ng isa o higit pang mga Mamimili, sa bawa’t kaso tulad ng inilalarawan sa Dokumento dahil maaaring baguhin ng Nagbibili ang gayon paminsan-minsan.

(d) Ang “Mga Serbisyong MSP” ay nangangahulugan ng pinapangasiwaang serbisyo na ibinibigay mo sa iyong mga Mamimili gamit ang mga Solusyon (kasama kung nalalapat ang AVG Business Services).

(e) Ang “Mga Serbisyong NOC” ay nangangahulugan ng mga malayuang serbisyong pangmonitor at pangangasiwa ng Device na ibinibigay sa iyo ng Nagbibili o ng third party na tagasuplay nito para sa benepisyo ng isa o higit pang mga Mamimili, sa bawa’t kaso tulad ng inilalarawan sa Dokumento dahil maaaring baguhin ng Nagbibili ang gayon paminsan-minsan.

(f) Ang “Kasunduan ng Serbisyo” ay nangangahulugan na isang kasunduan sa pagitan mo at ng Mamimili na, kasama ng iba pang mga bagay, ay malinaw na naglalarawan sa mga serbisyong pinagkasunduan ninyong ibigay sa Mamimili.

14.5.2. Ang Nagbibili, sumasailalim sa mga probisyon ng Kasunduang ito, ay nagkakaloob sa iyo ng limitado, di-eksklusibo, di-naililipat na lisensiya (na walang karapatan para mai-sublicense) sa loob ng Panahon ng Suskrisyon para gamitin ang makabuluhang Mga Solusyon (kasama na kung naaangkop ang Mga Serbisyong Pangnegosyo ng AVG) para magbigay ng Mga Serbisyong MSP sa iyong Mga Mamimili.

14.5.3. Ang Nagbibili, sumasailalim sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, ay nagbibigay sa iyo sa Mga Solusyon (kasama tulad ng naaangkop ang Mga Serbisyong Pangnegosyo ng AVG) para sa benepisyo ng iyong Mga Mamimili.

14.5.4. Ikaw, sumasailalim sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, ay:

(a) Kinakailangan na: (i) ang bawa't Mamimili (kasama ka, sa lawak na naaangkop) na tumatanggap ng Solusyon ay tumutupad o kung hindi man ay nagbibigkis sa sarili nito sa bagong bersiyon ng Kasunduang ito; at (ii) ang bawa't Mamimili kung kanino ka sumang-ayong magbigay ng Mga Solusyon ay tumutupad o kung hindi man ay nagbibigkis sa sarili nito sa isang Kasunduan ukol sa Serbisyo. Hindi nililimitahan ang sinusundan, maaari mong tanggapin ang EULA sa ngalan ng Mamimili sa lawak lamang na hayagang pinahintulutan ng Mamimili para isagawa mo ang gayon sa Kasunduan ukol sa Serbisyo o sa iba pang paraan. Ang Kasunduan ukol sa Serbisyo ay: (i) naglalaman ng mga probisyon kahit man lang bilang nangangalaga sa mga interes ng Nagbibili tulad ng Kasunduang ito; at (ii) hayagang nagpapahintulot sa iyo at sa Nagbibili na magparami, mag-transmit, mag-imbak at magproseso ng data at impormasyon ng Mamimili sa pagsasagawa ng mga serbisyo.

(b) Sa pagitan ng mo at ng Nagbibili, magkakaroon ng solong responsibilidad para sa: (i) pagsasagawa ng mga obligasyon mo sa ilalim ng Kasunduan ukol sa Serbisyo; (ii) pagtiyak na sumusunod ka at ang lahat ng Mga Mamimili sa lahat ng naaangkop na batas na may kinalaman sa pagmomonitor ng mga empleyado at iba pang ikatlong partido at kaukulang Mga Device ng mga iyon; (iii) pagsasagawa ng mga gawain at obligasyong itinalaga ng Kasunduan sa iyo at sa Mga Mamimili, Mga Naaangkop na Kondisyon at Mga Dokumento; at (iv) sa pagkawala ng bisa o pagwawakas ng naaangkop na Kasunduan ukol sa Serbisyo, ang probisyon ng pagwawakas ng serbisyo at pagtatanggal o pagdudulot ng dahilan para alisin ng Mamimili ang anumang Solusyon mula anumang Mga Device kung saan ini-install ito.

14.6. Plano ng Seguro. Ang Seksiyon 14.6 na ito ay ginagamit sa Mga Planong Pangkasiguruhan. 

14.6.1. Ang “Plano ng Seguro” ay nangangahulugan ng isang serbisyo kung saan ang technician ng Nagbibili (isang “Associate”), kapalit ng isang hiwalay na bayad sa suskrisyon, ay tutulong sa iyo na tanggalin ang mga virus o iba pang malware na nakakaimpeksyon sa iyong pinapangalagaang Device sa panahon ng Takda ng Suskrisyon. Ang mga Plano ng Seguro ay ipinagbibiling kasama ng mga tiyak na antivirus na Solusyon ng Nagbibili o ng iba pang mga Solusyong pangseguridad (ang bawa't isa ay “Solusyong Pangseguridad”), at sumusuporta sa mga iniaalok na proteksiyon sa pamamagitan ng Solusyong Pangseguridad.

14.6.2. Kung humihiling ka ng tulong ng Nagbibili sa ilalim ng Plano ng Seguro, at kung ikaw at ang iyong Device ay hindi karapat-dapat para sa tulong sa ilalim ng Seksiyon 14.6.3, gagamit ang Nagbibili ng komersiyal na makatwiran mga pagsisikap para matulungan kang tanggalin ang mga virus o iba pang malware na nakaaapekto sa Device mo. Sa pamamagitan nito ay iyong kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan na maaaring hindi sapat ang pagsisikap ng Nagbibili para matanggal ang mga tiyak na virus o iba pang malware mula sa Device mo, at ang Nagbibili, sa kurso ng pagbibigay ng serbisyo, ay maaaring magbago, magtanggal o maka-corrupt ng data sa Device mo, magbago ng mga setting ng Device, o kung hindi man ay makialaman sa wastong operasyon ng Device mo.

14.6.3. Sinasaklaw ng Planong Pangkasiguruhan: (i) tanging ang Device kung para saan mo binili ang kaugnay na Solusyong Pangseguridad, at hindi maaaring mailipat sa iba pang Device; at (ii) tanging mga virus at iba pang malware na nakakaimpeksiyon sa Device sa Panahon ng Suskrisyon, pagkatapos mong mai-download at mai-install sa Device ang Solusyong Pangseguridad, at habang ginagamit ang Solusyong Pangseguridad nang may mga bagong depinisyon ng malware. Maaaring wakasan ng Nagbibili ang Planong Pangkasiguruhan nang walang paunawa kung sa solong pangnegosyong paghatol nito ay matitiyak nito na humiling o tumanggap ka ng serbisyo sa ilalim ng Planong Pangkasiguruhan para sa isang Device na hindi saklaw ng Planong Pangkasiguruhan, inilipat o nagtangkang ilipat ang Planong Pangkasiguruhan sa ibang tao o entity, o kung hindi man ay lumabag sa mga takda ng Planong Pangkasiguruhan. 

14.6.4. Ang Nagbibili, sa pagbibigay ng tulong sa ilalim ng Plano ng Seguro, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-akses sa iyong Device, at/o maaaring kailanganin mo na i-install ang Pangtulong na Software (tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba), sa kaso kung saan tinatanggap at sinasang-ayunan mo na inilalapat ang Seksiyon 14.8. Kung ikaw ay hindi maaari o hindi nag-download at nag-install ng Pangtulong na Software sa Device o sumunod sa iba pang mga tagubilin ng Nagbibili o ng Associate, o kung ipinasiya ng Nagbibili na hindi karapat-dapat ang iyong Device para sa suporta sa ilalim ng Plano ng Seguro, hindi magbibigay ng serbisyo ang Nagbibili sa ilalim ng Plano ng Seguro. Ang Nagbibili ay maaari (nguni’t hindi kinakailangan) na ipadala ka sa isang serbisyo kung saan ang Nagbibili o mga subcontractor nito, kung may bayad, ay magbibigay ng tulong.

14.7. Premium Technical Support. Inilalapat ang Seksiyon 14.7 na ito sa Avast Total Care, AVG Premium Tech Support, AVG Go at iba pang mga teknikal na suportang serbisyo (ang bawa't isa ay “Premium Technical Support”) na hiwalay na ipinagbibili ng Nagbibili mula sa mga Solusyong software, at kung paano maaari kang matulungan ng Nagbibili na i-install, ikumpigura o i-troubleshoot ang anuman sa mga sari-saring produktong software at/o kagamitan o system, kasama ang PC, Mac, tablet, mobile phone o anumang iba pang personal na computing device, wireless router, cable modem o iba pang router, printer, digital camera, game console, media player, Smart TV, DVD/Blu-Ray player. 

14.7.1. Ang Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ay gagamit ng mga komersiyal na makatwirang pagsisikap para matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo nguni’t, dahil sa pagkakaiba-iba at sa pagkasalimuot ng mga teknolohiyang makukuha sa merkado, maaaring hindi magawang lutasin ng Associate ang iyong mga problema. Maaaring kasama dito, halimbawa, ang mga problemang lumilitaw bilang resulta ng mga error ng software o hardware na hindi pa nalulutas sa pamamagitan ng tagagawa, o mga problemang kaugnay ng kumpigurasyon ng kagamitan na ginagawa itong imposible o may di-makatwirang kahirapan para sa Associate upang ma-diagnose nang wasto at lutasin ang problema. Bilang resulta, sa pamamagitan nito ay tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga pagsisikap ng Nagbibili ay maaaring hindi sapat para lutasin ang mga problemang tinutukoy mo, o na yaong mga problema ay hindi malulutas sa napapanahong pamamaraan.

14.7.2. Ang Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-akses sa iyong Device, at/o maaaaring kailanganin na mag-install ka ng Software na Pangtulong, kung saang kaso tinatanggap at sinasang-ayunan mo na nalalapat ang Seksiyon 14.8. Kung ikaw ay hindi maaari o hindi nag-download at nag-install ng Software na Pangtulong sa Device o sumunod sa iba pang mga tagubilin ng Nagbibili o Associate, o kung ipinasiya ng Nagbibili na ang iyong Device ay hindi karapat-dapat para sa suporta sa ilalim ng suskrisyon ng Premium Technical Support, hindi magbibigay ang Nagbibili ng Premium Technical Support.

14.8. Malayuang Pag-akses; Software na Pangtulong

14.8.1. Malayuang Pag-akses. Ang Nagbibili o ang isang Associate, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Plano ng Seguro, bilang bahagi ng Premium Technical Support o kaugnay ng iba pang mga serbisyo, ay kailangang kumonekta nang malayuan, at kunin ang kontrol, sa iyong kagamitan upang lutasin ang mga problemang nararanasan mo. Kaugnay ng sesyon ng malayuang koneksyon na ito:

(a) Maaaring kailanganin ng Associate na magpatakbo ng iba't ibang script sa iyong kagamitan, gumawa ng mga pagbabago sa kumpigurasyon nito, mag-install at mag-uninstall ng software, at gumawa ng iba pang mga pagbabago sa kagamitan at/o mga setting ng software ng mga gayong kagamitan tulad ng maaaring kailanganin para matugunan ang iyong mga problema. Nauunawaan mo na ang Associate ay maaari, nguni’t hindi obligado, na mag-install at magtanggal ng iba't ibang kasangkapang software pang-may-ari o third party kung saan itinuturing ng Associate na kailangan ito para matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo. Ang mga elemento ng mga gayong software ay pinapangalagaan ng batas, kasama ang copyright.

(b) Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Associate na magtatag ng isang sesyon ng malayuang koneksyon, binibigyan mo ang Nagbibili (at mga kapartner at kontratista nito na umaakto sa ngalan ng Nagbibili) ng kumpleto o limitadong akses sa iyong kagamitan, software at network (depende sa kumpigurasyon ng iyong kagamitan, software at network), at pinapahintulutan ang Nagbibili na gumawa ng mga gayong pagbabago tulad ng inilalarawan sa itaas o tulad ng ipinapayo sa ibang paraan ng Associate sa panahon ng paghahatid ng Solusyon. Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na ang Associate, o ikaw na umaakto sa direksiyon ng Associate ay maaaring magbago, magtanggal o sumira ng software o data sa iyong kagamitan, baguhin ang kagamitan, mga setting ng software o network, o kung hindi man makialam sa wastong pagtakbo ng iyong kagamitan, software o network.

(c) Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na maaaring magkaroon ng akses ang Associate sa anumang impormasyong nakaimbak sa Device mo. Sinasanay ang mga Associate na hindi iakses ang higit pang impormasyon kaysa talagang kinakailangan upang malutas ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Associate. Dapat kang manatili gayunman sa unahan ng iskrin ng Device mo para maobserbahan ang mga aksyon ng Associate habang naghahatid siya ng Solusyon sa iyong Device. Magkakaroon ka ng pagkakataon na tapusin ang sesyon ng live na suporta anumang sandali sa pamamagitan ng pagpapayo sa Associate o pagdiskonekta sa sesyon ng malayuang koneksiyon.

14.8.2. Software na Pangtulong

(a) Ang Nagbibili o isang Associate, bilang isang kondisyon sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Plano ng Seguro, Premium Technical Support o iba pang mga serbisyo, ay maaaring magtagubilin sa iyo na i-download at i-install sa Device ang programang software (ang “Pangtulong na Software”) na nagpapahintulot sa Associate na magkaroon ng remote access sa iyong Device, magtipon ng impormasyon tungkol sa Device at mga operasyon nito, mag-diagnose at magkumpuni ng mga problema, at baguhin ang mga setting ng Device. Maaaring kailanganin mo na sundin ang iba pang mga tagubiling ibinibigay ng Nagbibili o ng Associate. 

(b) Kung ikaw o ang Associate ay nag-i-install ng Software na Pangtulong sa isang Device, ang Software na Pangtulong ay:

(i) Maaaring kailanganin na paganahin mo ito sa iyong Device. Kung hindi mo kukumpletuhin ang proseso ng activation sa loob ng tagal ng panahong hinihiling ng Associate o tulad ng hinihingi ng Software na Pangtulog, maaaring tumigil sa paggana ang Software na Pangtulong hanggang sa makumpleto ang activation. 

(ii) Maaaring makipag-ugnayan sa mga server ng Nagbibili (o sa partner o kontratista nito) sa isang regular na batayan upang (i) tiyakin na tinatanggap mo ang lahat ng serbisyo at software na may karapatan ka bilang bahagi ng iyong Solusyon, (ii) nagagawa mong maagap na maglunsad ng isang sesyon ng chat kasama ang isang Associate bilang bahagi ng iyong Solusyon, o (iii) nagbibigay sa iyo ng akses sa mga tiyak na kasangkapang pang-self-service bilang bahagi ng iyong Solusyon.

(iii) Maaaring sa pamamagitan ng default ay laging tumakbo sa iyong Device at magsagawa ng iba't ibang mga gawain sa background para makatulong panatilihin ang iyong Device sa kondisyong gumagana. Kapag tumatakbo, maaaring kumolekta ito ng iba't ibang data hinggil sa iyong Device, kasama ang mga teknikal na ispesipikasyon nito, impormasyon hinggil sa operating system nito, software na naka-download at/o naka-install, mga pang-update at pang-upgrade, ang kahandaan at estado ng iyong software ng seguridad, mga backup at firewall, iba't ibang walang katulad na pangtukoy, mga mensahe ng error ng system at software, estado ng mga koneksyon ng network, mga nakakonektang pangkabit at iba pang mga nakakonektang devices, at mga katulad na gayong impormasyon at data. Tumutulong ang impormasyong ito sa Nagbibili na hadlangan ang maraming karaniwang problema na maaaring nararanasan mo, at para din matukoy nang mabilis ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Nagbibili.

Isara

Halos tapos na!

Kumpletuhin ang pag-install sa pamamagitan ng pag-click sa na-download mong file at pagsunod sa mga tagubilin.

Sinisimulan ang pag-download...
Paalala: Kung ang iyong pag-download ay hindi awtomatikong nagsimula, mangyaring mag-click dito.
I-click ang file na ito upang simulan ang pag-install ng Avast.