Mas magaan, mas mahusay – at talagang libre
Punong-puno ng pinakamalaking network sa pag-detect ng banta, machine-learning na proteksyon sa virus, at seguridad ng home network na hindi pababagalin ang iyong PC.
Kinikilala ang Avast ng pinakamahalagang institusyon ng anti-malware.
Sinertipikahan para sa 100% proteksyon laban sa mga nag-uumpisang banta.
Nag-i-scan ang Avast Free Antivirus ng mga isyu sa seguridad at performance at sasabihin sa iyo kung paanong maaayos kaagad ang mga bagay.
Pinoprotektahan ka nito sa aktwal na panahon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga hindi kilalang file bago makarating ang mga ito sa iyo. Kaya mag-relax lang: Sa Avast, pinatatakbo mo ang pinakapinagkakatiwalaang antivirus sa mundo.
Isang magandang interface na madaling gamitin, advanced na proteksyon ng application, isang bagong paraang maluwag para sa pagpapagana ng maraming produktong panseguridad na katulad nito – at kaunting bagay sa iyong mga naglalaro at mga mahihilig sa pelikula.
Ang ransomware ay mabilis na nagiging isa sa pinakakaraniwan – at pinakamapanganib – na uri ng malware. Pinoprotektahan ng Avast Free Antivirus ang iyong device laban sa mapanirang ransomware, kaya hindi ka nagiging biktima ng digital na pangingikil.
Pinalitan namin ng pangalan ang Paraang Panglaros at tinuruan ito nang ilang bagong trick. Tinatawag na ngayong Mode na Do Not Disturb, bina-block nito ang mga nakaaabalang popup naglalaro ka man, nanonood ng mga pelikula, o nagpiprisinta sa fullscreen.
Hindi lang namin sinusuri iyong mga application para sa malware. Babantayan na namin ngayon ang kanilang gawi para makasiguro na hindi sila pabigla-biglang nanggugulo.
Bilang karagdagan sa aming mga pinakabagong feature, sinasaklawan namin ang pangunahing matalinong pag-detect ng banta at proteksyon sa aktwal na panahon sa isang magaan na pagpindot sa iyong PC, ni hindi mo nalalaman na naroroon iyon.
Tuklasin at harangan ang mga virus, malware, spyware, ransomware at pagkuha ng sensitibong impormasyon (phishing). Ginagamit namin ang smart analytics para mapigilan ang mga banta bago ka maapektuhan ng mga iyon.
Awtomatikong magpadala ng mga kahina-hinalang file para sa pagsusuri sa cloud, at magtaguyod ng lunas para sa lahat ng user ng Avast kung isang banta ito.
Awtomatikong tuklasin ang mga kahinaan ng iyong pambahay na Wi-Fi at ang mga estrangherong nakikisakay sa network mo.
Hanapin ang lahat ng mga puwang na nagpapahintulot sa malware para makapasok, mula sa mga di-ligtas na setting at password hanggang sa mga kahina-hinalang add-on at software na luma na.
Pero huwag mo kaming basta lamang paniwalaan.
Hindi malaki ang aming hinihingi. Ang kailangan mo lamang ay isang PC na may Windows 10, 8.1, 8 o 7*, 1 GB RAM at 2 GB na espasyo ng hard disk. At iyon na.
* Ang parehong 32 at 64 bit na bersyon, maliban sa Starter at RT na mga edisyon.
Angkop sa Windows 10
I-click ang file na ito para simulan ang
pag-install ng Avast
Sundin itong 3 madadaling hakbang para matapos ang iyong pag-i-install ng Avast
Tandaan: Kung ang iyong pag-download ay hindi awtomatikong nagsimula, mangyaring mag-click dito.
I-click ang na-download na file sa
kanang sulok sa itaas ng iyong screen.
I-click ang "Oo" sa window ng diyalogo ng system para aprobahan ang simula ng iyong pag-i-install ng Avast.
I-click ang buton sa
window na pang-install para simulan ang pag-i-install.
Kailangan ng tulong? Pakitawagan ang 855-745-3255
Inirerekomenda ng Avast ang paggamit
ng LIBRENG internet browser ng Google Chrome™.