Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.
Subukan ang aming VPN nang libre – hindi kailangan ng credit card. Itago ang inyong IP address, i-secure ang inyong koneksyon sa Wi-Fi, patibayin ang inyong privacy, at i-access ang content na gusto mo, nasaan ka man.
Iwasang ma-hack sa pampublikong Wi-Fi, pigilan ang mga third party na masubaybayan ang iyong mga aktibidad online, at i-access ang paborito mong content saan mang bansa ka naroroon gamit ang Avast SecureLine VPN.
Kumuha ng totoong privacy
Itago ang iyong mga aktibidad sa internet mula sa iyong internet provider, mga hacker, mga employer, at marami pang iba.
Kumonekta nang ligtas
Protektahan ang iyong privacy saan ka man kumonekta, kahit sa walang seguridad na pampublikong Wi-Fi.
I-access ang gusto mong content
Makalusot sa mga pang-block ng content at mag-enjoy sa iyong mga paboritong bayad na streaming service nasaan ka man.
Mag-enjoy sa napakabilis na pag-browse
Pumili mula sa malawak na seleksyon ng mabibilis na server na matatagpuan sa buong mundo.
Makakuha ng privacy proteksyon sa isang pag-click lang, kasama ang lahat ng feature na kailangan mo
Manatiling ligtas gamit ang open-source na privacy proteksyon
Ang SecureLine VPN ay binuo sa OpenVPN at OpenSSL, ang pinakaginagamit, maaasahan, at transparent na mga protocol ng privacy proteksyon.
Magrelaks – hindi namin nila-log ang iyong mga aktibidad
Walang makakakita kung aling mga app ang ginagamit mo, mga website na binibisita mo, o content na tinatangkilik mo.
Itaboy ang mga spy gamit ang 256-bit AES encryption
Ligtas na i-encrypt ang lahat ng iyong papasok at papalabas na data para hindi ito makita ng mga nagmamatiyag online.
Maging anonymous
Maglaho sa gitna ng maraming user ng Avast SecureLine, gamit ang single shared na IP address.
Ginagawang ligtas ang anumang Wi-Fi o network
Ligtas na kumonekta sa kahit anong hotspot – kahit na sa walang seguridad na pampublikong Wi-Fi sa mga coffee shop, paliparan, silid-aklatan, at parke.
Itago ang IP address mo
Panatilihing nakatago ang iyong tunay na IP sa IPv4 at i-block ang mga IPv6 na request gamit ang DNS leak proteksyon.
Mag-stream at maglaro nang walang hirap
Mag-share ng mga stream nang simple at pribado – piliin lang ang suporta ng server ng P2P.
I-access ang nilalaman sa buong mundo
Iwasan ang mga geo-block at i-access ang paborito mong content, nasaan ka man sa mundo.
Mag-enjoy sa pinahusay na karanasan sa P2P
I-enjoy ang mga hi-def na pelikula, lag-sensitive twitch na paglalaro, at madaling paglilipat ng malalaking file sa isang pag-click lang.
Pumili mula sa 700 server sa 34 na mga bansa
Saan ka man sa mundo, mayroon kaming tamang-tamang server para sa iyo.
I-access ang Android TV
Direktang mag-stream ng content sa inyong Android smart TV, NVIDIA Shield TV, o Mi Box, nang pribado at ligtas.
Matuto nang higit pa
Ipakita ang mas kaunti
Pigilan ang mga online na spy at mapakialam
Huwag mag-alala tungkol sa iyong employer, gobyerno, o ISP na nagi-ispiya sa iyong mga online na aktibidad. Sa isang pag-click lang – wala na silang makikita.
Ano ang VPN?
Iwasang ma-hack sa pampublikong Wi-Fi, pigilan ang mga third party na masubaybayan ang iyong mga aktibidad online, at i-access ang paborito mong content saan mang bansa ka naroroon gamit ang Avast SecureLine VPN.
Sino ang sumusubaybay sa iyo online?
Ang mga Internet Service Provider ay maaaring:
Makita ang lahat ng ginagawa mo online
Ipinagbibili ang iyong kasaysayang medikal, pinansiyal at pagba-browse
Magagawa ng mga employer na:
Magmatyag sa iyong mga aktibidad online
Limitahan ang mga oportunidad sa iyong karera kapag lumabag ka sa patakaran ng kompanya
Magagawa ng mga hacker na:
Magnakaw ng iyong pagkakakilanlan
I-hack ang iyong mga account
Magagawa ng mga gobyerno na:
I-censor ang nakikita mo
Mag espiya sa iyo
Pinoprotektahan ng Avast SecureLine VPN ang iyong privacy
Itago ang IP address mo
Ang iyong IP address ay isa sa mga pangunahing paraan para sa mga internet service provider, at iba pa, na masubaybayan ka online. Kaya huwag silang bigyan ng higit sa nararapat: ang aming mga server ang iyong magiging maskara sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng bagong IP Address.
Single shared na IP address
Mas madaling mawala sa karamihan. Sa tuwing kokonekta ka sa aming mga server, makukuha mo ang parehong IP address tulad ng iba pang konektado rito – pinapahirapan nito ang trapiko sa server na iyon na maiugnay sa sinuman sa inyo.
Kumuha ng DNS leak proteksyon
Sinisigurado naming ligtas ang data ng iyong pag-browse laban sa anumang DNS leak, kaya hindi makikita ng mga internet service provider mo ang iyong IP Address o kung anuman ang ginagawa mo online.
I-enjoy ang hindi pagla-log ng iyong aktibidad
Sa sandaling nakakonekta ka sa mga server namin, hindi namin sinusubaybayan ang mga app na ginagamit mo, ang mga website na binibisita mo, o ang content na binabasa mo, tapos. Kung may isang taong nagtatanong, hindi kami basta-basta makasasagot.
Smart VPN mode
I-enjoy ang tuluy-tuloy na browsing experience nang hindi nakokompromiso ang privacy o ang seguridad mo. Awtomatikong pinipili ng Smart VPN ang pinakamahusay na lokasyon ng server, para makapag-focus ka sa pag-enjoy habang konektado nang walang abala.
Ipakita ang mas kaunti
Itinatago ang iyong mga online na aktibidad
Hindi itinatala ang mga binibisitang website o paggamit ng app
DNS leak proteksyon
Matuto nang higit pa
Gawing ligtas ang anumang koneksyon
Protektahan ang iyong sarili laban sa mas malalawak na mga banta, mga hacker, at mga scammer gamit lang ang isang click. Hindi ka nag-iisa sa network na iyan. Gumagamit kami ng bank-grade na encryption para ligtas na i-tunnel ang inyong komunikasyon sa anumang network – gaano man kalabo.
Pinoprotektahan ka rin ng VPN mula sa mga banta sa network
Sa bank-grade encryption, palaging ligtas ang iyong data mula sa mga online scammers at banta sa network.
Kumuha ng privacy proteksyon na binuo sa transparency
Itinatag namin ang proteksyon mo sa pinakamalawak na ginagamit at pinagkakatiwalaang protokol ng VPN: OpenVPN. Ito ang pinakapinagkakatiwalaan dahil open source ito. Walang hindi kilalang proprietary code ang gumagawa ng mga kakaibang bagay sa iyong data. Gumagamit kami ng mga OpenSSL library at pinapagagana ang kabuuan nito sa mga UDP port para makuha mo ang pinakamabibilis na speed.
Kumuha ng seguridad na palagi mong maaasahan
256-bit na advanced encryption standard (AES) ang aming pinipiling cipher. Bakit? Mangangailangan ng hypothetical hypercomputer na taon upang ma-crack ito. Dahil din ito sa hindi magkakaroon ng sapat na enerhiya sa uniberso na magpapatakbo ng hypothetical na computer na ito una sa lahat. Mabusisi kami sa paraang iyan.
Inaprobahan ng Apple
Ang aming mga implementasyon sa iOS at sa macOS ay gumagamit ng IPsec protocol, at binuo namin ang lahat ng ito sa mga pagmamay-aring stack ng Apple para matiyak ang pinakamahusay na compatibility at performance. Ang aming layunin: ikonekta sa napakabilis na speed.
Protektahan ang iyong saril laban sa mga karaniwang online scam
Hindi palaging madaling malaman kung ikaw ay nililinlang o pinagsasamantalahan online pero ang Avast SecureLine VPN ay binibigyan ka ng advanced na proteksyon laban sa ganitong mga karaniwang uri ng pag-atake.
Iwasan ang pagmamanman sa iyong packet
Nakakonekta ka sa isang bukas, di-protektadong network, at nag-log in sa mga account mo. Nguni’t hindi ka nag-iisa sa network.
Kapag nakakuha kayo ng cookie, ang nanghihimasok ay makakakuha ng cookie – at ngayon ay may access na sila sa inyong account.
Makita ang mga fake hotspot
Nakakonekta ka sa Wi-Fi ng paborito mong astig na coffee shop, tama ba?
Sigurado ka bang network nila ito? May Wi-Fi ba sila?
Maaaring wala sila at ang iyong data ay nabunyag sa computer ng isang attacker.
Mag-ingat sa evil twin na panlilinlang
Gusto lang ng iyong mga device na awtomatikong pagkonekta sa mga kilalang network at makatipid sa iyo ng oras.
Iyan ay isang delikadong bagay na gawin.
Madaling gumawa ng isang doppelganger network na lilinlang sa iyong telepono, computer – o kahit sa iyo.
Pigilan ang man-in-the-middle na mga atake
Ang hindi mo alam, may sumisingit sa pagitan mo at ng internet.
Maaari nilang palitan kung ano ang nakikita mo sa mga paborito mong site, i-redirect ka sa mga pekeng site, kunin ang kontrol sa iyong mga komunikasyon, at nakawin ang iyong mga account at password.
Ipakita ang mas kaunti
Bank-grade encryption
Batay sa open-source na teknolohiya para sa Windows at Android
Inaprobahan ng Apple para sa pinakamahusay na compatibility at performance
Proteksyon sa pampublikong Wi-Fi at mga di-ligtas na network
Matuto nang higit pa
I-access ang content na gusto mo, kahit saan
Iwasan ang mga paghihigpit sa nilalaman, at i-enjoy ang inyong mga paboritong palabas, mga stream, at mga website, kahit nasaan ka man sa mundo.
Internet mo ito, bawiin mo ito
Ang iyong IP address ay hindi lang ginagamit para masubaybayan ang ginagawa mo online, ginagamit din ito para pigilan kang gamitin ang ilang mga partikular na serbisyo. Pinahihinto ng Avast SecureLine VPN ang mga espiya at hinahayaan kang ma-access ang nilalamang gusto mo, nang hindi nagpapakilala, kahit saan ka man naroroon.
Kalimutan ang mga paghihigpit sa content
Damhin ang totoong kalayaan sa online at pag-access sa iyong paboritong nilalaman. Piliin ang iyong pinakamainam na server mula sa 55 lokasyon ng mga server sa buong mundo.
Makakuha ng mas magagandang deal online
Ipunin ang pera mo at maging wais sa pagbili. Iwasan ang diskriminasyon sa presyo (kapag ang isang produkto ay inaalok sa iba’t ibang mga presyo sa iba’t ibang mga rehiyon.) Gumamit lamang ng Avast SecureLine VPN upang makahanap ng pinakamahusay na mga alok.
Mabilis na makakonekta sa iyong mga kaibigan sa P2P
Karamihan sa lokasyon ng aming server ang sumusuporta sa peer-to-peer (P2P) na networking at makikita mo kung alin ang mga ito – malinaw silang nakamarka sa iyong screen ng pagpipilian.
I-enjoy ang tuluy-tuloy na streaming
Mag-stream ng mga kaganapan sa sports sa hi-definitiion at walang madalas na pag-buffer. Dahil ang aming protocol ay tumatakbo sa UDP, ang aming mga lokasyon ng server ay may sapat na bandwidth upang matiyak ang isang de-kalidad na karanasan sa streaming.
Gamitin ang iyong social media sa paaralan o trabaho
Kailangan mag-check ng Facebook o Instagram sa paaralan o sa opisina? Maaari mo nang magawa ngayon – nakatago mula sa mga online watcher at walang nang mga katanungan.
Smart VPN
I-enjoy ang tuluy-tuloy na browsing experience nang hindi nakokompromiso ang privacy o ang seguridad mo. Awtomatikong pinipili ng Smart VPN ang inyong pinakamahusay na lokasyon ng server, para makapag-focus ka sa pag-enjoy habang konektado nang walang abala.
Ipakita ang mas kaunti
I-access ang inyong mga paboritong site
I-stream ang inyong mga paboritong palabas
Suportang peer-to-peer
Alisin ang diskriminasyon sa presyo
Matuto nang higit pa
BAGO
Mag-stream nang ligtas sa mga Smart TV na nagpapagana ng Android TV
Maupo sa sopa, itaas ang iyong mga paa, at i-stream ang iyong paboritong nilallaman nang direkta sa iyong Android smart TV, Nvidia Shield TV o Mi Box. Goodbye, mga hacker at hinihigpitang pag-access – hello there, malaking screen.
Seguridad para sa lahat ng Android TV device
Privacy para sa iyong pag-stream sa big-screen
Walang mga limitasyon sa bandwidth
Mga lokasyon ng server ng SecureLine
Australia2 LUNGSOD
Austria1 LUNGSOD
Belgium1 LUNGSOD
Brazil1 LUNGSOD
Canada3 LUNGSOD
Czech Republic1 LUNGSOD
Denmark1 LUNGSOD
Finland1 LUNGSOD
France1 LUNGSOD
Germany2 LUNGSOD
Hungary1 LUNGSOD
Ireland1 LUNGSOD
Israel1 LUNGSOD
Italy1 LUNGSOD
Japan1 LUNGSOD
Latvia1 LUNGSOD
Lithuania1 LUNGSOD
Luxembourg1 LUNGSOD
Malaysia1 LUNGSOD
Mexico1 LUNGSOD
Netherlands1 LUNGSOD
New Zealand1 LUNGSOD
Norway1 LUNGSOD
Poland1 LUNGSOD
Portugal1 LUNGSOD
Singapore1 LUNGSOD
South Africa1 LUNGSOD
South Korea1 LUNGSOD
Spain2 LUNGSOD
Sweden1 LUNGSOD
Switzerland1 LUNGSOD
Taiwan1 LUNGSOD
Turkey1 LUNGSOD
United Kingdom3 LUNGSOD
Ukraine1 LUNGSOD
United States16 LUNGSOD
Gawing lahat ito nang kasingbilis ng kidlat
Walang saysay ang pagkakaroon ng ligtas at pribadong koneksyon sa internet kung hindi naman ito maglo-load. Palagi naming pinapataas ang speed at performance ng aming mga server, para palagi mong mae-enjoy ang online experience na inaasahan mo.
Kung saan natutugunan ng bilis ang kakayahan
Kumonekta nang ligtas nang may kumpiyansa na hindi maaapektuhan ang iyong bilis at paggana – gamit ang network ng aming mga server, kaya namin ang halos anumang kapasidad.
I-enjoy ang pinakamataas na performance– kahit na sa pinakaabalang mga oras
Ang lahat ng aming gateway ng VPN ay tumatakbo sa mga server na may dedikadong hardware at tinitiyak namin na may sobrang kakayahan ang mga iyon para mapanatiling pantay ang performance sa ilalim ng mga pinakamatataas na load. Nagpapatakbo kami ng mga sistema bukod pa rito para mabalanse ang web traffic, upang hindi ma-overload ang aming mga server.
Kapasidad sa sukat
Kasalukuyang sinusuportahan ang Avast SecureLine VPN ng higit sa 700 na mga server – nagdadagdag kami sa lahat ng oras at hindi pa nila naaabot ang kanilang mga limit. Kung sakaling lumapit kami sa limit, mabilis naming mapapalawak ang aming kapasidad sa pamamagitan ng pag-tap sa isang pinagkakatiwalaang network ng mga partner sa buong mundo.
Mabilis under pressure
Ang bawat isa sa aming mga server ay may teoriyang pinakamabilis na daloy na 2 Gbit/s. Nguni’t ang teoriya ay hindi katotohanan. Regular naming inilalagay ang mga iyon sa pamamagitan ng mga pagsusuri ng stress at makakuha ng karaniwang bilis na 450–600 Mbit/s kahit sa ilalim ng mga panahon ng matitinding paggamit. At dahil lahat ng ito ay tumatakbo sa UDP, ito ay palaging sapat na mabilis para sa anumang kailangan mo.
Ipakita ang mas kaunti
Mag-stream, mag-game, o mag-download ng malalaking file
Hanggang sa 10 device
Hanggang sa bilis na 2 Gbit/s
Walang mga limitasyon sa bandwidth
Matuto nang higit pa
Avast SecureLine VPN
Kunin ang Avast SecureLine VPN para simulan at masiyahan sa private browsing
Piliin ang package na nababagay sa iyo sa mga pagpipilian sa baba.
Buksan ang na-download na file at aprubahan ang pag-install.
Hakbang 3
3. I-install ang file
Patakbuhin ang installer at sundin ang simpleng hakbang.
Mga kinakailangan ng sistema
Windows 10 at Windows 11 ay magkatugma.
PC na may Windows 11, 10, 8.1, 8 o 7 (parehong 32 at 64-bit na bersyon, hindi kasama ang Mixed Reality, Mobile, IoT, Starter, at RT na edisyon), 1 GB RAM at 2 GB ng hard disk space.
Mac na nagpapagana ng macOS 10.12 (Sierra) o mas bago.
Android na telepono o tablet na nagpapagana ng operating system na Google Android 6.0 (Marshmallow, API 23) o mas bago.
iPhone o iPad na nagpapagana ng Apple iOS 13.0 o mas bago
Ang Avast SecureLine VPN ay isang Virtual Private Network (VPN) – isang ligtas, naka-encrypt na koneksyon na nagpoprotekta sa iyong data sa pamamagitan ng pagiging isang pribadong tunnel papunta sa internet. Itinatago rin nito ang iyong IP address sa pamamagitan ng pagre-redirect sa iyong trapiko sa isa sa pinakamabibilis naming server sa mundo. Ang kumbinasyon ng VPN server at ang pag-encrypt ay humaharang sa iyong ISP, gobyerno, mga hacker, at sinumang iba pa mula sa pag-espiya sa iyo habang nagna-navigate ka sa web, na isa lamang sa maraming dahilan kung bakit dapat kang gumamit ng VPN.
Hinahayaan ka ng Avast SecureLine VPN na itago ang iyong IP address at panatilihing ganap na pribado at anonymous ang iyong online na aktibidad. Pinipigilan nito ang mga third party sa pagmanman sa iyong online na aktibidad at nagbibigay-daan ito sa iyong ligtas na magamit ang hindi ligtas na pampublikong Wi-Fi. Maaari mo ring i-unblock ang mga website at i-access ang nilalaman ng geo-restricted content nasaan ka man.
Hindi sigurado kung ano ang iyong IP address? Alamin kung paano mo mahahanap ang iyong IP address sa ilang mga hakbang lamang.
Ang Avast SecureLine VPN ay ganap na ligtas na i-download at gamitin dahil binuo at pinapanatli ito ng isa sa pinakapinagkakatiwalaang pangalan sa cybersecurity. Madali lang din itong i-set up at i-install sa anumang Windows, Mac, iOS, o Android device. Nag-aalok ito ng mas ligtas na paraan para ma-enjoy ang tunay na online privacy at anonymity kumpara sa Tor at iba pang proxy. Bagama’t legal ang VPN sa maraming bansa, baka paghigpitan ng iba ang paggamit ng mga VPN. Palaging kumpirmahin kung legal ang mga VPN sa iyong bansa bago i-install at gamitin ang Avast SecureLine VPN.
Oo, puwede mong simulan ngayon ang iyong 7 araw na libreng pagsubok ng Avast SecureLine VPN para ma-enjoy ang totoong online na privacy at anonymity gamit ang ligtas at naka-encrypt na koneksyon – at wala kang obligasyon dito.
Hindi, hindi mo kailangan. Ang inyong 7-araw na pagsubok ng Avast SecureLine VPN ay ganap na libre at hindi ninyo kailangang magbayad ng anuman o magbigay ng anumang mga detalye ng credit card.
Napakadaling kumonekta sa Avast SecureLine VPN. Kapag na-download mo na at na-install na ito, buksan lang ang VPN software, piliin kung aling lokasyon ng server ang gusto ninyong gamitin, at pwede na itong gamitin.
Oo, kasama ang Avast SecureLine VPN sa aming Avast Ultimate package – isang all-in-one na bundle para sa PC, Mac, at mobile. Nasa Avast Ultimate ang lahat ng kailangan mo para mapanatiling ligtas, pribado, at gumagana nang pinakamahusay ang iyong mga device. Bilang karagdagan sa Avast SecureLine VPN, makakakuha ka rin ng:
Avast Premium Security . Higit pa sa isang antivirus, ang Avast Premium Security ay may mga layer ng karagdagang proteksyon laban sa ransomware, pagkuha ng sensitibong impormasyon (phishing) at mga hacker, upang ligtas kang makapamili at makapag-bank online.
Avast Cleanup Premium Mag-enjoy ng mas malaking storage space, mas mahabang buhay ng baterya at panatilihing walang basura ang iyong mga device at gumagana na parang bago.
Bisitahin ang aming Support Center para sa higit pang FAQ