Michal Pechoucek
Chief Technical Officer
Sumali sa Avast si Michal Pechoucek bilang CTO noong Setyembre 2019. Pinangungunahan niya ang mga grupo ng pangunahing teknolohiya at R&D na sumusuporta sa gawain ng mga grupo ng Avast Laboratoryo ng Virus, Big Data, at innovation. Siya rin ang responsable para sa siyentipikong pagsasaliksik ng kumpanya sa mga larangan ng Artificial Intelligence, machine learning, at cybersecurity.
Bago sumali sa Avast, gumugol si Mr. Pechoucek ng mahigit dalawampung taon bilang isang propesor sa Faculty of Electrical Engineering sa Czech Technical University (CTU) sa Prague, kung saan pinangunahan niya ang Department of Computer Science at itinatag ang Artificial Intelligence Center noong 2001. Kasama rin siya sa nagtatag sa Open Informatics, isang programa sa pag-aaral na nakatuon sa pagsasaliksik, na nag-aalok ng iba't ibang mapagpipiliang paksa, pinagsasama-sama ang iba't ibang bahagi ng informatics at diskarte, at patuloy pa ring itinuturo hanggang sa ngayon.
Sumulat si Mr. Pechoucek ng mahigit 400 sikat na publikasyon at nag-ambag ng maraming innovative na AI application para saliksikin sa computer science. Bago sumali sa Avast, siya ang pangunahing kumikilos sa likod ng pagkakagawa ng Avast Chair Cybersecurity sa CTU, at nitong 2019, tumulong din siya sa pagtatatag ng CTU/Avast AI at Cybersecurity Laboratory na pinondohan ng Avast. Sa ngayon, patuloy pa ring nagtuturo si Mr. Pechoucek sa CTU at pinangungunahan ang Artificial Intelligence Center.
Habang itinataguyod ni Mr. Pechoucek ang kanyang akademikong karera, kasama siya sa nagtatag sa ilang papausbong na teknolohiya kabilang ang cybersecurity firm Cognitive Security (kinuha ng CISCO noong 2013), AgentFly Technologies, na eksperto sa pagkontrol ng autonomous na trapiko ng aircraft, at Blindspot Solutions, na bumubuo ng AI para sa mga application na pang-industriya (kinuha ng Adastra Group noong 2017). Pinangasiwaan niya ang R&D Center para sa AI at Computer Security sa CISCO Systems at nagtrabaho bilang tagagawa ng diskarte sa opisina ng CTO ng CISCO Security. Isa rin siyang venture partner sa Evolution Equity Partners, isang VC firm na eksperto sa cybersecurity. Kamakailan, kasama si Mr. Pechoucek sa nagtatag sa prg.ai initiative na naglalayong gawing pang-world class na AI super hub ang Prague.
Nagtapos si Mr. Pechoucek sa University of Edinburgh at natamo ang kaniyang PhD sa Artificial Intelligence sa CTU sa Prague. Nagtrabaho rin siya sa University of Southern California, University of Edinburgh, State University of New York sa Binghamton, at University of Calgary.