Avast Cleanup

Pangsusunod na henerasyong pang-ayos ng takbo at panglinis para sa PC mo

Magkaroon ng mas malinis, mas mabilis, at mas matiwasay na PC

Ang Avast Cleanup ay 15 taon ng pagkaeksperto sa pag-tuneup ng computer na nagpapatakbo sa lumang PC mo pabalik sa porma, at pinapanatili ang anumang PC na tumatakbong parang bago.

Pabilisin, ayusin ang pagtakbo, at buhayin uli ang PC mo

Hindi na bumabata ang PC mo. Ayusin kung ano ang nakapagpapabagal sa iyo gamit ang nakapatenteng teknolohiya na tuklas ng Avast Cleanup.

Pinapatulog ang mga app

Inaalis ang mga bloatware

Isara

Ano ba ang nakapagpapabagal sa akin?

Mas maraming programa na ini-install at ginagamit mo, nagiging mas mabagal ang PC mo dahil sa tatlong pangunahing dahilan.

Pabilisin gamit ang Sleep Mode

Tinutukoy ng aming prosesong pang-ayos ng takbo ang mga nakabibigat sa perpormans at pinapatigil ang mga iyon para sa iyo, nang hindi mo gagawing mag-uninstall ng mga program o pakialaman ang PC mo

Oras ng pagtulog

I-switch on ang Sleep Mode para ma-freeze ang anumang program na nakapagpapabagal sa iyo. Habang natutulog, hindi ito gagamit ng anumang resource.

Wake up

Ilunsad ang program na pinatulog mo, at hayaan ang aming matalinong algoritmo na awtomatikong paganahin ang lahat ng aktibidad nito sa background.

...at saka bumalik sa kama

Sa sandaling matapos ang paggamit mo sa program, awtomatiko naming ibabalik ito sa pagtulog para pigilan ito sa pagpapabagal sa iyo.

Mas maraming program kang pinapatulog, mas kakaunti ang matitirang tumatakbo sa background, at magiging mas mabilis ang computer mo.

Pag-aalis ng mga basurang program at bloatware

Pag-aalis ng Avast Cleanup sa mga basurang program
Mag-ingat sa bloatware

Maaaring mapabagal ng bloatware ang PC mo — mga program na tulad ng mga trial na bersyon, di-ginustong toolbar, o naka-preinstall na software na hindi mo hiningi kailanman. Umookupa ng espasyo ang mga file na ito at nagiging dahilan ng mga isyu sa perpormans, nguni’t salamat sa Avast Cleanup, maaari mo nang itapon ang mga iyon.

Linising lahat ito

Alisin na ang mga gawaing panghuhula sa pag-aalis ng bloatware gamit ang aming cloud-based na reputation system. Ang mga pagmamarka mula sa mga tao sa buong mundo ay makatutulong sa iyong mapagpasiyahann kung ano ang pananatilihin. Kung takot kang mag-uninstall, maaari naming pansamantalang ilagay para sa iyo ang mga file sa quarantine hanggang sa makapagpasiya ka.

Tuklasin ang higit pa

Bigyan ang PC mo ng wastong paglilinis

Nauubos ang espasyo ng disk? Hindi na ngayon. Ini-scan ng Avast Cleanup ang PC mo mula itaas hanggang ibaba para maalis ang mga gigabyte na dami ng mga tira-tirang basura mula sa mahigit 200 application, browser, at kahit Windows.

Nililinis ang browser mo

Inaatake ang mga di-ginustong plugin at toolbar

Nagbibigay ng espasyo

Isara

Itapon ang mga pang-araw-araw na kalat

Sa araw-araw na ginagamit mo ang iyong PC, napupuno ito ng kalat ng mga tira-tirang file mula sa Windows, mga program mo, o mula lang sa pag-browse ng web. Nasa amin ang gamot.

Tuklasin ang higit pa

Ayusin ang mga problema ng PC mo

Mabilis na pang-ayos para sa isang pagod na PC, ang Avast Cleanup ay dumarating na may kasamang mga kasangkapan na parehong para sa mga baguhan at propesyonal para maayos ang ilan sa mga pinakanakakainis na isyu, pag-crash at pagka-freeze.

1-click maintenance

Nililinis ang mga registry

Nililinis ang mga browser

Isara

1-Click Maintenance

Araw-araw, napakaraming data ang natitipon ng PC mo. Pinapahintulutan ng aming 1-Click Maintenance na maalis mo ang mga basurang iyan sa ilang mahahalagang bahagi.

Tuklasin ang higit pa

Ang pinakakomprehensibong PC optimizer at tuneup toolkit

Isinasama na ng Avast Cleanup ang lahat ng bagay na kinakailangan mo para maayos ang pagtakbo ng PC mo:

Sleep Mode

Pinagha-hibernate ng nakapatenteng pamamaraan ng pang-ayos ng takbo ang lahat ng application na nakaka-drain ng resource para gawing parang bago uli ang pakiramdam ng PC mo.

Shortcut Cleaner

Inaalis ang mga patay nang shortcut mula sa iyong desktop at mga listahan ng history sa buong Windows at iba pang mga application.

1-Click Maintenance

Inaasikaso ang 6 na kritikal na gawain sa paglilinis at pagsasaayos ng takbo sa isang click lang.

Disk Cleaner

Ligtas na tinatanggal ang mga tira-tirang file mula sa Windows at mahigit sa 200 ng mga pinakapopular na program ng PC.

Registry Cleaner

Inaalis ang nakatagong basura mula sa registry ng Windows at inaayos ang mga problema.

Browser Cleaner

Inaalis ang mga tira-tirang bakas ng pagba-browse at mga cookie mula sa 25+ browser, kasama na ang Edge, Chrome, Firefox, at IE.

Tuning Dashboard at Action Center

Nag-aalok ng isang mabilis na paglalarawan ukol sa kalusugan ng PC mo.

Bloatware Removal

Tinutukoy at inaalis ang mga 3rd-party trial, ad, at toolbar na hindi mo ginusto kailanman.

Pagsusuri ng perpormans? Pinaghusayan at nalampasan

Sa Avast, lubos naming ipinagmamalaki at pinapangalagaan ang pagsusuri ng aming mga sariling produkto bago namin ilabas ang mga iyon. Gamit ang mga benchmark na pamantayan sa industriya, nagsuri kami ng mga luma at bagong PC bago at pagkatapos ayusin ang takbo ng mga iyon gamit ang Avast Cleanup.

75%

mas mabilis na pag-start up*

139s

34s

67GB

ng mga nalinis na file*

0MB

68,667MB

90%

mas mahabang baterya*

92m

175m

* Ang mga resulta mula sa aming laboratoryo ay pagpapakita lamang. Maaaring magkaiba-iba ang mga resulta mo.

I-click dito para sa kumpletong resulta

SUBUKIN NANG LIBRE SA LOOB NG ISANG BUWANBumili ngayon

Logo ng Chrome browser

Inirerekomenda ng Avast ang paggamit
ng LIBRENG internet browser ng Google Chrome™.