Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.

Avast Premium Security

Ang Avast Premium Security ay hindi lang basta antivirus, isa itong kumpleto online na proteksyon para sa lahat ng iyong mga computer, telepono, tablet.

Makakuha ng kumpletong proteksyon gamit ang mahusay na antivirus, at:
Mamili at magbangko nang ligtas – kahit saan, kahit kailan.
Matukoy kaagad ang mga pekeng website at ransomware.
Pigilan ang mga hacker sa pagkontrol sa iyong PC.
30 araw na garantiya sa pagbabalik ng pera
Mga opsyong Pang-isahan o Pang-Pangmaramihang-Aparato
Available sa PC, Mac, Android, at iPhone/iPad

Seguridad na iniakma para matugunan ang iyong mga pangagailangan

Mga custom na feature para sa PC, Mac, Android, at iPhone/iPad para gawing ligtas ang iyong mga device kung saan nito pinakakailangan.
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga opsyong Pang-isahan at Pang-Pangmaramihang-Aparato na piliin ang proteksyong pinakaangkop para sa iyo.
Ang “Hanggang 10 device” ay nangangahulugang puwede mong ibahagi ang iyong seguridad sa lahat ng iyong device o sa mga taong pinakamalapit sa iyo.

Proteksyon laban sa iyong pinakamalalakas na kalaban online

Nagbibigay ng proteksyon ang Avast Premium Security laban sa lahat ng online na banta kasama ang mga pekeng website at ransomware.

Ngayon, ligtas ka nang makakapamili at makakapag-bangko online

Ang mga pekeng website ay isa sa mga pinakalumang paraan ng pag-hack. Sina-scan ng Avast Premium Security ang mga website para sa mga panganib sa seguridad sa iyong computer at mobile phone, para makakapamili ka na at makakapag-bangko online nang ligtas sa anumang device.

Pigilan ang mga hacker sa pagkontrol sa iyong PC

Dumarami ang mga pag-atake ng remote na pag-access – at ang huling bagay na gusto mong mangyari ay ang makontrol ng hacker ang iyong PC at pasukan ito ng malware o i-lock ang mga file mo gamit ang ransomware. Pinoprotektahan na ngayon ng Avast Premium Security ang iyong PC laban sa mga pag-atakeng ito.

Alinmang device ang ginagamit mo, protektado ka namin

Windows ang mas madalas na inaatake ng mga virus, ransomware, scam, at iba pang pag-atake kaysa sa iba pang operating system. Kaya kung isa kang may-ari ng PC, kapag mas malakas ang iyong proteksyon, mas maganda.
Hindi ligtas ang iyong Mac sa malware. At hindi lang ang malware ang banta sa mga Mac. Puwede ring manganib ang iyong kaligtasan dahil sa mga kahina-hinalang website at Wi-Fi network na bukas sa pag-atake – maliban na lang kung mayroon kang tamang proteksyon.
Bukas sa pag-atake ng malware at magnanakaw ang mga Android phone. Kaya ang pagkakaroon ng pinakamahusay na proteksyon na anti-malware at anti-theft sa iyong bulsa ay makakatipid sa iyo ng maraming sakit ng ulat (at pera) sa kalaunan.
Ang seguridad ng iOS ay hindi tungkol sa hindi kinakailangang antivirus at proteksyon sa malware – ito'y tungkol sa pagtiyak na ligtas ang mga user ng iPhone at iPad sa tuwing nag-o-online. Puwedeng isapanganib ng mga hindi ligtas na Wi-Fi network at magnanakaw ng pagkakakilanlan ang sinuman.

Puwedeng nagtataka ka pa rin...

Avast Premium Security

Minsanang solusyon para sa lahat ng iyong pangangailangan sa seguridad online