Mag-scroll pababa

Gawin ang sarili mo na invisible sa mga hacker

Pinipigilan ng Firewall ang mga hacker na ma-access ang iyong computer gamit ang Wi-Fi at Internet.

Ano ang panganib?

Maaaring gumamit ang mga hacker ng Trojan virus o keylogging software upang ma-access ang iyong computer at makuha ang iyong personal na data tulad ng login, password at mga detalye sa bangko. Maaari rin nilang gamitin ang kapangyarihan ng iyong computer upang magpatakbo ng ipinagbabawal na gawain nang hindi mo alam (oo, ang iyong PC ay maaaring maging bahagi ng isang gangster rin - kakaiba, ngunit totoo).

Paano mananakaw ng mga hacker ang aking data?

Ang mga hacker ay maaaring gumamit ng anumang mga koneksyon sa Internet o Wi-Fi network bilang isang entry point sa iyong computer. Kapag nakapasok, maaari nilang ma-infect ang iyong PC ng mga virus o software na susubaybayan kung aling mga key ang pinindot mo - isang madaling paraan upang makakuha ng mga detalye ng credit card at iba pa. Hinaharangan ng Firewall ang lahat ng di-awtorisadong mga koneksyon sa iyong computer, at nagbibigay-daan na piliin mo kung aling mga programa ang maaaring ma-access ang Internet, kaya hindi ka magiging konektado nang hindi mo nalalaman.

I-block ang mga hindi kanais-nais a pag-access sa iyong PC

Ang Avast Premier at Internet Security ay parehong may Firewall, na magbibigay sa iyo ng kumpletong pag-controlng trapiko papunta at palabas ng iyong PC.

Mayroon ka bang Avast Premier o Avast Internet Security? Perpekto - naka-on ang iyong firewall ayon sa default. Para i-tweak ang mga setting nito, buksan lang ang iyong Avast at i-click ang ‘Proteksyon’. Makikita mong naroroon mismo ang icon ng Firewall, at kapag binuksan mo iyon ay mabibigyan ka ng isang hanay ng mga opsiyon para ma-customize ang firewall mo.

Wala ka pang Avast?