Para maprotektahan ang mga user, tinutukoy at agad na iniuulat ng Avast ang anumang kahina-hinalang file o gawi. Ang aming state-of-the-art na imprastraktura at pag-access sa napakalawak na dami ng data ng seguridad na natipon mula sa daan-daang milyong devices sa buong mundo, ay nagbibigay sa amin ng pinakamalaking, pinaka-advanced na zero-day na banta-detection sa network sa planeta.
Paano namin pinoprotektahan ang daan-daang milyong tao araw-araw? Inaayos ng aming pinakabagong teknolohiya ang aming mga user at ginagawang isang pambuong-daigdig na network ng mga nagtutulungang sensor. Kung may isa man sa kanila ang makaranas ng malware, gumagamit ang Avast ng 6 na layer ng proteksyon para tukuyin, i-block, at sabihan ang buong network sa loob lang ng ilang segundo.
Kapag na-target ng malware ang device ng user, gumagamit kami ng 6 na layer ng maigting na proteksyon, na pinapagana ng aming natatanging analytics na batay sa cloud at mga diskarte ng machine learning, para panatilihin siyang ligtas. Narito ang higit pang detalye sa kung paano ka ipinagsasanggalang ng mga pamproteksyong layer na ito, pati na ang iyong mga device, mula sa mga cyberthreat.
Pinagsasama namin ang pag-virtualize ng mga kahina-hinalang application at malalim na instrumentation para makita sa mataas na antas, pati na sa antas ng tagubilin, kung ano ang sinusubukang gawin ng sinusuring program. Batay sa isang modelo ng inobserbahang gawi gamit ang mga algorithm ng machine learning, natutukoy namin ang mga pagkakatulad sa mga kilalang pamilya ng malware. Sa pamamagitan ng pag-aalis sa bawat layer gamit ang malalim at dynamic na pagsisiyasat, naisisiwalat ng pangkalahatang unpacker component ang mga kilalang sample ng malware na maaaring nakatago sa mga pinakakumplikado at naka-encrypt na program. Sa prosesong ito, ginagamit ng aming cloud engine ang kaalaman sa banta na kinalap mula sa buong user base namin para masuri ang lahat ng sample ng software.
Patuloy naming sinusubaybayan ang mga isyu sa seguridad para protektahan ang aming daan-daang milyong user mula sa mga papausbong na banta. Para mauna sa pagkuha ng mga pinakabagong feature ng produkto, at malaman ang tungkol sa mga banta mula sa mga eksperto sa Mga Threat Lab ng Avast, bisitahin ang blog ng Avast.