Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.

VPN para sa Windows 10 PC

Makakuha ng ganap na privacy online para sa iyong Windows 10 na PC gamit ang Avast SecureLine VPN

I-downloadang 7-araw na trial

Gustung-gusto ng aming mga user ang Avast SecureLine VPN para sa Windows 10

I-download

Tunay na online na pagkapribado sa pag-click ng isang buton

I-encrypt ang koneksyon sa internet sa iyong Windows 10 na PC para sa ganap na kalayaan online nasaan ka man, gamit ang aming VPN para sa Windows 10. Dahil sa aming bank-grade, 256-bit AES na pag-encrypt at mga server sa buong mundo, mase-surf mo ang web nang ligtas at may privacy – Kahit saanman. Kumokonekta ang Avast SecureLine VPN para sa Windows 10 sa Internet sa pamamagitan ng tila isang tagong lagusan ng epektibong pag-encrypt, kaya walang nakakakita ng ginagawa mo. I-enjoy ang internet sa iyong Windows 10 na PC sa paraang gusto mo, gamit ang Avast SecureLine VPN.

100% privacy sa Windows 10
Ligtas na koneksyon
Access sa anumang nilalaman
Windows VPN Connected

Hindi babagal ang iyong Windows 10 na PC

Sobrang gaan at madaling gamitin ang Avast SecureLine VPN para sa Windows 10. Na nangangahulugang may maliit lang itong epekto sa performance ng iyong Windows 10 na PC. Gumagana ang aming VPN para sa Windows 10 sa mga server mula sa 29 na lokasyon sa 19 na bansa at talagang nagsisikap kami para tiyaking mayroong sapat na sobrang capacity ang mga ito para mapanatili ang performance, kahit na sa oras na pinakamarami ang nilo-load nito. Lagi kaming nagdaragdag ng mas maraming server at puwede naming agad na palawakin ang aming capacity sa pamamagitan ng aming network ng mga pinagkakatiwalaang kasosyo sa buong mundo kung kinakailangan. Na sadyang maaasahan.

Mga kinakailangan ng system

Paano i-install ang Avast SecureLine VPN sa Windows 10

Para simulan ang paggamit ng Avast SecureLine VPN para sa Windows 10, sundin lang ang madadaling hakbang na ito:

1 I-download ang installer sa pamamagitan ng pag-click dito .

2 I-right-click ang installer at i-click ang “patakbuhin bilang administrator”.

3 Sundin ang mga panuto.

4 Kapag tapos na ang pag-install, handa nang gamitin ang iyong VPN para sa Windows 10.

At tapos na iyon! Totoong online na privacy sa isang pag-click lang ng button.

Nagsalita na ang mga tao

At gusto naming makabalita sa iyo. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang dahilan kung bakit tayo naririto. Kaya, ano ang palagay mo sa aming VPN para sa Windows 10?

Mga FAQ

Ang VPN ay isang Virtual Private Network. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-encrypt sa iyong koneksyon sa internet para hindi masubaybayan, masundan o ma-hack ang mga online na aktibidad mo. Gumagawa ang Avast SecureLine ng tila isang tagong lagusan ng epektibong pag-encypt sa pagitan ng iyong computer at ng internet, para walang makakita ng ginagawa mo. At dahil ang lagusan ay nagmumula sa isa sa mga ligtas na server namin na inilagay sa buong mundo sa mahusay na paraan, nakikita ng sinumang kinokonektahan mo ang IP address namin, hindi ang sa iyo.

Sabihin na nating lahat. Hindi kami nagbibiro. Nakikita ng mga Provider ng Serbisyo sa Internet ang lahat ng ginagawa mo at depende sa kung saan ka nakatira, magagawa nilang ibenta ang iyong history ng pananalapi, paggamot, at pag-browse. Magagawang nakawin ng mga hacker ang iyong pagkakakilanlan at i-access ang iyong sensitibong data habang makokontrol naman ng mga employer ang ginagawa mo online at kung kailan mo ito ginagawa. At tulad nito, masisilip ng mga pamahalaan ang iyong online na aktibidad at malilimiti ang mga naa-access mo. Makakatulong ang paggamit ng VPN na mapigil ang lahat ng ito.

Ang isang hindi kilalang web proxy ay nagbibigay-daan sa iyong ma-access ang mga naka-block na website sa pamamagitan ng pagtatago sa IP address mo at pagbibigay sa iyo ng ibang IP address. Gayunman, hindi ie-encrypt ng libreng Proxy ang iyong koneksyon sa internet, ibig sabihin hantad na hantad ka pa rin sa mga hacker at masasamang elemento sa internet. Ie-encrypt ng VPN ang iyong koneksyon at itatago rin nito ang IP address mo, na pinapanatiling pribado at ligtas ang lahat ng iyong online na aktibidad.

Gumagamit ang aming VPN ng bank-grade, 256-bit AES na pag-encrypt para protektahan ang iyong koneksyon sa internet at binuo ito sa OpenVPN at OpenSSL, ang pinakamaaasahan, ginagamit ng marami, at transparent na mga protocol sa pagprotekta ng privacy sa ngayon.

Ang Avast SecureLine VPN ay 100% ligtas na gamitin. Pero maraming libreng VPN na serbisyo ang magbebenta ng iyong data sa mga 3rd party, maglalagay ng mga ad at video sa browser mo, at magpapabagal sa iyong koneksyon sa internet. Hindi kailanman ikokompromiso ng Avast SecureLine VPN ang iyong karanasan o privacy bilang user. Hindi namin ibinabahagi o ibinebenta ang iyong data sa mga 3rd party, hindi kami nagpo-post ng mga ad, at wala kaming kakayahang subaybayan ang aktibidad mo sa internet.