Avast Internet Security

Ang pinakaismarteng online na proteksyon para sa iyong PC.

30-araw garantiyang pagbabalik ng pera I-download ang trial

Para sa mga yaong gusto ng mas malalim na proteksyon ukol sa pagkapribado

Mag-tweet hanggang sa gusto mo, mamili, o magbangko nang ligtas at 'i-like' kahit anong gusto mo. Pinapanatili ng matalinong pagtukoy ng banta sa Internet Security na ligtas ang iyong pagkakakilanlan online, at ngayon ay nagdadagdag ng isa pang ekstrang patong ng proteksyong laban sa ransomware para sa iyong pinakamahahalagang file at larawan.

Paghuli ng Avast ng mga scam email

BAGOIngatan ang mga file mo mula sa mga nangho-hostage

Proteksyong pang-data ng Avast

Iwasan ang mga pekeng website

Paghuli ng Avast ng mga scam email

Huliin ang mga scam email

Firewall ng Avast

I-firewall ang iyong data

Tingnan ang nakapaloob

Ang Internet Security ay maaaring mag-alok ng maraming patong ng proteksyon para panatilihin kang ligtas at gumagana nang maayos ang iyong mga device. Ang lahat ng nangungunang tampok sa ibaba ay kasama sa iyong software ng Internet Security.

Firewall

Pinapanatili ang mga hacker sa kabilang panig ng pader gamit ang mahalagang pangseguridad na tampok na ito na nagmomonitor at kumokontrol sa kung ano ang pumapasok at lumalabas sa computer mo.

Panlaban sa Spam

Nag-iiwas sa spam at iba pang malisyosong nilalaman, upang mapagtuunan mo ang mga email na talagang mahalaga.

Totoong Site

Pangalagaan ang sarili mula sa mga hacker na nagtatangkang i-hijack ang mga setting ng DNS (Domain Name System) mo, nagreredirekta sa iyo sa mga huwad na site at nagnanakaw ng iyong mga detalye ukol sa pagbabangko.

Inspektor ng Wi-Fi

Awtomatikong tuklasin ang mga kahinaan ng iyong pambahay na Wi-Fi at ang mga estrangherong nakikisakay sa network mo.

Matalinong Panlaban sa Virus

Tinutuklas at hinaharangan ang mga virus, malware, spyware, ransomware at pagkuha ng impormasyon nang walang pahintulot (phishing). Ginagamit namin ang smart analytics para mapigilan ang mga banta bago ka maapektuhan ng mga iyon.

CyberCapture

Awtomatikong ipinapadala ang mga kahina-hinalang file para sa pagsusuri sa cloud, at nagtataguyod ng lunas para sa lahat ng user ng Avast kung isang banta ito.

Proteksyon ng Gawi

Tukuyin at harangin ang mga kahina-hinalang huwaran ng gawi para sa mabilisang proteksyon laban sa mga di-kilalang banta at ransomware.

Ismarteng Pag-scan

Hanapin ang lahat ng lamat na yaon na nagpapahintulot sa malware para makapasok, mula sa mga di-ligtas na setting at password hanggang sa mga kahina-hinalang dagdag na program at software na luma na.

BAGOProteksyon sa Ransomware

Harangin ang ransomware at iba pang mga app na di-pinagkakatiwalaan mula sa pagbago, pagtatanggal, o pag-encrypt ng iyong mga personal na larawan at file.

Sandbox

Suriin at laruin ang mga kahina-hinalang file sa isang ligtas na kapaligiran bago mo hayaang tumakbo ang mga iyon sa computer mo, tinitiyak na hindi magbubunton ang mga iyon ng kapinsalaan sa PC mo.

Browser ng SafeZone

Mag-surf at mamili nang ligtas, nang hindi kinakailangang mag-install o magkumpigura ng anumang dagdag na program. Makukuha ang aming browser na kasamang lahat ang kailangan mong tampok ukol sa pagkapribado at seguridad.

Passwords

I-lock ang lahat ng account mo gamit ang isang ligtas na password. Pangangasiwaan namin ang mga iyon para sa iyo, kaya maaari kang mag-log in nang mabilis at ligtas.

Paraang Maluwag

Gusto mong gumamit ng ibang antivirus pero nasisiyahan ka pa rin sa mga tampok ng Avast? Ilagay kami sa paraang maluwag: mananatili kaming naroroon pa rin kapag kailangan mo kami.

Paraang Panglaro

Awtomatikong patigilin nang pansamantala ang mga paunawa nang masiyahan nang husto sa iyong mga sesyon ng paglalaro, o anumang iba pang karanasan ukol sa buong-iskrin.

Browser Cleanup

Alisin sa browser mo ang mga toolbar, dagdag na program at iba pang mga extension na ini-install nang hindi mo napapansin.

Account sa Avast

Ang lahat ng iyong device na protektado ng Avast sa isang lugar na madaling gamitin. Pamahalaan ang iyong mga lisensya, hanapin ang iyong mga mobile na device, at manatiling talagang organisado sa madaling paraan.

Suportang nasa-produkto

Nagkakaproblema sa iyong Avast? Hindi mo na kailangang maghanap kung saan-saan pa upang makakuha ng tulong. Magpadala lamang sa amin ng isang mensahe mula mismo sa sarili mong Internet Security.

Mga kinakailangan ng system

* Ang parehong 32 at 64 bit na bersyon, maliban sa Starter at RT na mga edisyon.

I-download ang trial Bumili ngayon

Logo ng Chrome browser

Inirerekomenda ng Avast ang paggamit
ng LIBRENG internet browser ng Google Chrome™.