Avast Premier

Ang aming pinakanangungunang antivirus ng PC. Lahat ng aming pinakamahuhusay na tampok, kasamang lahat

30-araw garantiyang pagbabalik ng pera I-download ang trial

Ang antivirus na ito na pinakanangunguna sa hanay ay hindi katulad ng mga iba pa

Dahil hinaharang nito ang lahat ng pag-hack ng webcam, at pinipigilan ang ransomware bago magsimula ito. Pinapangalagaan nito ang iyong PC, home network, at mga password laban sa mga biglaang banta gamit ang matalinong cloud-based na pagtatanggal. Awtomatikong ina-update nito ang iyong mga app at permanenteng ginugutay ang data mo kapag sinabi mo ang gayon. Iyan ang dahilan kaya hindi ka pa nakakikita ng proteksyong katulad nito kailanman.

Avast Webcam Shield

BAGOPanatilihing malayo sa webcam mo ang mga espiya at manunubok

Mga pribadong file

BAGOIngatan ang mga file mo mula sa mga nangho-hostage

Avast Software Updater

I-update ang mga app mo laban sa mga butas sa seguridad

Avast Data Shredder

Walang data na naiiwan

Tingnan ang nakapaloob sa Avast Premier

Ibinibigay sa iyo ng aming pinakanangungunang antivirus ang aming kumpletong hanay ng mga tampok ng seguridad at perpormans.

Firewall

Pinapanatili ang mga hacker sa kabilang panig ng pader gamit ang mahalagang pangseguridad na tampok na ito na nagmomonitor at kumokontrol sa kung ano ang pumapasok at lumalabas sa computer mo.

Panlaban sa Spam

Nag-iiwas sa spam at iba pang malisyosong nilalaman, upang mapagtuunan mo ang mga email na talagang mahalaga.

Totoong Site

Pangalagaan ang sarili mula sa mga hacker na nagtatangkang i-hijack ang mga setting ng DNS (Domain Name System) mo, nagreredirekta sa iyo sa mga huwad na site at nagnanakaw ng iyong mga detalye ukol sa pagbabangko.

Inspektor ng Wi-Fi

Awtomatikong tuklasin ang mga kahinaan ng iyong pambahay na Wi-Fi at ang mga estrangherong nakikisakay sa network mo.

Matalinong Panlaban sa Virus

Tinutuklas at hinaharangan ang mga virus, malware, spyware, ransomware at pagkuha ng impormasyon nang walang pahintulot (phishing). Ginagamit namin ang smart analytics para mapigilan ang mga banta bago ka maapektuhan ng mga iyon.

CyberCapture

Awtomatikong ipinapadala ang mga kahina-hinalang file para sa pagsusuri sa cloud, at nagtataguyod ng lunas para sa lahat ng user ng Avast kung isang banta ito.

Proteksyon ng Gawi

Tukuyin at harangin ang mga kahina-hinalang huwaran ng gawi para sa mabilisang proteksyon laban sa mga di-kilalang banta at ransomware.

Ismarteng Pag-scan

Hanapin ang lahat ng lamat na yaon na nagpapahintulot sa malware para makapasok, mula sa mga di-ligtas na setting at password hanggang sa mga kahina-hinalang dagdag na program at software na luma na.

BAGOProteksyon sa Ransomware

Harangin ang ransomware at iba pang mga app na di-pinagkakatiwalaan mula sa pagbago, pagtatanggal, o pag-encrypt ng iyong mga personal na larawan at file.

Awtomatikong Pang-update ng Software

Ang mga luma at wala na sa panahong program ay maaaring unti-unting makabakbak sa iyong pader ng seguridad. Panatilihin na awtomatikong naa-update ang software mo at hindi ka na gaanong tatablan ng mga pag-atake.

Sandbox

Suriin at laruin ang mga kahina-hinalang file sa isang ligtas na kapaligiran bago mo hayaang tumakbo ang mga iyon sa computer mo, tinitiyak na hindi magbubunton ang mga iyon ng kapinsalaan sa PC mo.

Passwords

I-lock ang lahat ng account mo gamit ang isang ligtas na password. Pangangasiwaan namin ang mga iyon para sa iyo, kaya maaari kang mag-log in nang mabilis at ligtas.

Panggutay ng Data

Panatilihing ligtas ang mga sekreto mo sa pamamagitan ng permanenteng pagtatanggal ng mga sensitibong file sa sandaling tapos ka na sa mga iyon nang sa gayon ay hindi na makuha pa uli ang mga iyon.

BAGOWebcam Shield

Ihinto nang tuluyan ang pag-eespiya sa webcam. Kailangan na ngayon ng mga app na humingi ng pahintulot sa iyo para magamit ang webcam mo, kaya alam mo lagi kung sino ang nanonood.

Paraang Maluwag

Gusto mong gumamit ng ibang antivirus pero nasisiyahan ka pa rin sa mga tampok ng Avast? Ilagay kami sa paraang maluwag: mananatili kaming naroroon pa rin kapag kailangan mo kami.

Paraang Panglaro

Awtomatikong patigilin nang pansamantala ang mga paunawa nang masiyahan nang husto sa iyong mga sesyon ng paglalaro, o anumang iba pang karanasan ukol sa buong-iskrin.

Browser Cleanup

Alisin sa browser mo ang mga toolbar, dagdag na program at iba pang mga extension na ini-install nang hindi mo napapansin.

Account sa Avast

Ang lahat ng iyong device na protektado ng Avast sa isang lugar na madaling gamitin. Pamahalaan ang iyong mga lisensya, hanapin ang iyong mga mobile na device, at manatiling talagang organisado sa madaling paraan.

Suportang nasa-produkto

Nagkakaproblema sa iyong Avast? Hindi mo na kailangang maghanap kung saan-saan pa upang makakuha ng tulong. Magpadala lamang sa amin ng isang mensahe mula mismo sa sarili mong Premier.

Mga kinakailangan ng system

* Ang parehong 32 at 64 bit na bersyon, maliban sa Starter at RT na mga edisyon.

I-download ang trial Bumili ngayon

Logo ng Chrome browser

Inirerekomenda ng Avast ang paggamit
ng LIBRENG internet browser ng Google Chrome™.