Bilang pinakapinagkakatiwalaang kumpanya ng sotware sa buong mundo, nakatuon kami nang 100% sa aming mga customer, kaya't gusto naming maglaan ng panahon para ipaliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin ng link na “Huwag Ibenta o Ibahagi ang Aking Impormasyon” sa mga webpage ng Avast at app.
May ilang paraan para magawa mo ito. Una, may mga setting ng cookie:
Madali mo ring maa-access ang mga setting na ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa “Mga Kagustuhan sa Cookie” sa footer ng aming mga website. Isa pang paraan para masabi mo sa amin ang mga kagustuhan mo sa cookie ay baguhin ang mga setting ng cookie sa iyong browser.
Para partikular na hilinging hindi namin “ibenta” o ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga sitwasyong hindi nauugnay sa mga cookie. puwede mong gamitin ang aming online na form sa https://support.avast.com/tl-ph/contact/dsr o ipadala ang iyong mga kahilingan sa dpo@avast.com.
Gayunpaman, pakitandaan na hindi namin pinapanatili ang data sa paraang magagawa naming i-link ang impormasyon sa iyong email, kaya hindi namin nagagawang i-opt out ka nang direkta.
Kung isa kang residente ng California, nagbibigay sa iyo ang California Privacy Rights Act (“CPRA”) ng karapatang mag-opt out sa “pagbebenta” ng iyong personal na impormasyon.
Sa ilalim ng CCPA, kasama sa “personal na impormasyon” ang impormasyon na hindi naman talaga direktang nauugnay sa iyong pagkakakilanlan bilang indibidwal, pero puwedeng nauugnay sa iyong device. Saklaw nito ang mga pantukoy gaya ng mga IP address, cookie sa web, beacon sa web at mobile Ad ID, bukod pa sa iba. Sa maraming pagkakataon, hindi nauugnay ang ganitong uri ng impormasyon sa iyo, pero may mga natatanging pantukoy na maaaring maugnay sa iyo. Gayundin, ang ibig sabihin ng terminong “ibenta” ay hindi lang pagbebenta kapalit ng pera, pero gayundin ang pagbabahagi o paglilipat ng personal na impormasyon (kabilang ang impormasyon na hindi direktang tumutukoy ng indibidwal gaya ng inilarawan sa itaas) kapalit ng anumang may halaga, na sumasaklaw sa mas malawak na hanay ng mga sitwasyon at uri ng pagpapalitan. Bukod pa rito, hindi itinuturing na “mga pagbebenta” ang ilang partikular na bagay, gaya ng mga sitwasyon kung saan idinirekta ng consumer ang isang kumpanya na ibunyag ang personal na impormasyon (“pagbubukod na inutos ng consumer”) o inilipat ang impormasyon ng consumer bilang bahagi ng merger, acquisition, pagkalugi, o iba pang katulad na transaksyon na nagreresulta sa epektibong pagbabago ng kontrol (“pagbabago ng kontrol’).
Bukod pa rito, may ilang partikular na bagay na hindi itinuturing na “pagbabahagi,” gaya ng mga sitwasyon kung saan may (1) pagbubukod na idinirekta ng consumer, (2) paglilipat o pagbabahagi ng personal na impormasyon sa provider ng serbisyo o contractor (ang “pagbubukod ng provider ng serbisyo”), o (3) pagbabago ng kontrol, bilang ilang halimbawa.
Bilang pangkalahatang kasanayan, hindi namin ibinebenta ang impormasyong direktang nakakatukoy sa iyo, gaya ng pangalan, address, o email mo. Sa ilalim ng pagbubukod sa provider ng serbisyo na tinalakay sa itaas, ibinabahago namin ang ilan sa iyong personal na impormasyon sa aming mga provider ng serbisyo, na sumasailalim sa amin sa pamamagitan ng kontrata para gamitin ang impormasyon para lang makapagbigay ng sebisyo sa amin o sa ngalan namin (halimbawa, gumagamit kami ng mga kasosyo para makapagbigay ng teknikal na suporta), o sa limitadong karagdagang pagkakataong nakabalangkas sa aming Abiso sa Privacy (gaya ng para sa pagpoproseso ng mga pagbabayad na pumipigil sa panloloko o para sumunod sa batas).
Gayunpaman, ang mga malawak na pagpapakahulugan ng CPRA hinggil sa “personal na impormasyon” , “pagbebenta” at "pagbabahagi sa mga third party" ay puwedeng ituring na pagbebenta ang karaniwang pagdaloy ng impormasyon sa digital analytics at ecosystem ng advertising. Gaya ng karamihan sa mga kumpanyang nagpapatakbo ng mga pangkomersyal na website at app, ginagamit namin ang online na analytics para sukatin ang mga paraan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa aming mga website at app. Bilang kapalit, sinasabi naman ng mga insight na ibinibigay ng mga tool sa analytics na ito kung paano namin tinutukoy at inaayos ang mga bug, sinusukat ang paggamit ng aming website at mga app para mas maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa mga ito at nagsasagawa ng online na advertising. Para maisagawa ang mga pagsusuring ito at para mapadali ang online na advertising, nakikipagkontrata kami sa mga panig na kumukolekta ng mga pantukoy ng device at naglalagay ng mga tag, cookie, beacon, at katulad na pamamaraan sa pagsubaybay sa sarili naming mga website/app pati na rin sa mga website/app ng ibang panig. Halimbawa, puwede naming hilingin na padaliin ng kasosyo sa advertising ang paglalagay ng aming mga ad sa isang partikular na website pagkatapos bisitahin ng consumer ang aming mga website. Karaniwang ginagawa ito ng naturang kasosyo sa pamamagitan ng paglalagay ng cookie sa browser ng isang user, na puwede namang makatukoy kapag ginagamit ng consumer ang parehong browser para bumisita sa iba pang website. Gayundin, kapag nagbibigay ang aming mga website o app ng espasyo para sa mga advertisement, puwedeng gumamit ang kasosyong ito ng mga pantukoy, gaya ng mga cookie para sa mga website o AdID ng device para sa mga mobile app, para mapadali ang real-time na pag-bid ng mga advertiser. Sa mga mobile app, puwede kang mag-opt out sa pagpoprosesong ito sa pamamagitan ng pag-upgrade sa isang may bayad na bersyon ng parehong produkto o sa pamamagitan ng pag-uninstall sa produkto. Pakitandaan na makikita mo pa rin sa aming mga website, anuman ang iyong pinili hinggil sa paggamit ng iyong personal na impormasyon, ang ilang advertising kapag hindi kasama sa naturang advertising ang pagbebenta ng iyong personal na impormasyon.
Kapag makatwiran naming matitiyak sa pamamagitan ng kontrata na magagawa at gagamitin ng mga panig na inilarawan sa itaas ang isang cookie o isang pantukoy ng device para lang maibigay ang partikular na serbisyong hiniling namin, at hindi nila gagamitin o ibabahagi ang data para sa iba pang layunin, hindi namin ituturing ang naturang pagbabahagi bilang “pagbebenta.” Sa karamihan ng pagkakataon, natukoy namin na tumutugon sa pamantayang ito ang aming mga provider ng analytics ng data na sumusukat sa mga paraan kung paano nakikipag-ugnayan ang aming mga user sa aming mga website at app at, dahil dito, hindi namin iba-block ang pagbabahagi ng pantukoy sa mga naturang provider ng serbisyo, kahit na piliin mong mag-opt out sa pamamagitan ng link na “Huwag Ibenta”.
Sa ilang pagkakataon naman, wala kaming kumpletong kontrol sa kung paano ginagamit ang mga naturang pantukoy ng ilang partikular na panig (halimbawa, nangyayari ito minsan sa ecosystem ng online na advertising). Bilang resulta, kapag may mga kaso kaming tulad nito, hindi namin matutukoy na ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga panig na ito ay maituturing nasa ilalim ng pagbubukod ng provider ng serbisyo sa ilalim ng batas at ituturing namin na naturang sitwasyon ay isang “pagbebenta” o, kung anuman ang sitwasyon, bilang “pagbabahagi sa mga third party”.
Para sa aming mga website, kung nagtakda ka ng kagustuhang “Huwag Ibenta o Ibahagi” (sa pamamagitan ng setting ng cookie) ang naturang kagustuhan ay partikular sa site na binibisita mo. Tandaan na ang setting ay gagana lang kung nakatakdang tumanggap ang iyong browser ng mga cookie. Gayundin, kung iki-clear mo ang mga cookie ng browser mo, buburahin ang setting na “Huwag Ibenta o Ibahagi” na nakabatay sa cookie, at kakailanganin mong i-reset ang setting.
Para sa mga mobile app ng Android, na hindi gumagamit ng mga cookie bagkus ay mga Advertising ID, puwedeng i-reset ang iyong Advertising ID o, sa ilang bersyon, puwedeng i-off. Sa iOS, puwedeng i-off ang iyong mga Advertising ID. Puwede mong baguhin ang iyong mga kagustuhan at itakda ang lokal na “Huwag Ibenta o Ibahagi” sa pamamagitan ng pag-access sa mga setting ng system. Dapat manatili ang setting hanggang sa partikular mong baguhin ito o i-clear ang data ng app sa iyong device— pero dapat mong tingnan ang setting nang regular para matiyak na ipinapakita nito ang iyong kasalukuyang pagpipilian.
Pakisuri ang aming Abiso sa Privacy para sa isang mas detalyadong paglalarawan kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang personal na impormasyon ng mga residente ng California sa pagpapatakbo ng aming negosyo, iyong mga karapatan sa privacy bilang residente ng California at kung paano ginagamit ang iba pang karapatan na mayroon ka bilang residente ng California.